Bukas pa ang ilaw sa mansyon ng mga Savage pagbaba namin ng sasakyan ni Dax. Mukhang hinintay talaga kami ng kanilang mga tauhan kahit alanganing oras na. Yumuko pa sa harapan namin ‘yung ilang nakasalubong namin. May isa nga akong nahuling naghikab pero agad siyang siniko ng kasamahan niya. Ngumiti naman ako pero natakot lang sila. Mas ayos pa nga sa akin na mga tauhan nila ang kasama. Itong si Mrs. Savage kasi panay ang tingin sa akin mula ulo hanggang paa. Tapos ay iniwan pa ako kasama si Bobbie na minsan pansin kong parang may sariling mundo. Mahilig din kasi ito sa libro gaya ko. Nalaman kong research student kasi ito. Pagpasok sa loob ng mansyon, alam kong didiretso na kami sa kwarto para matulog dahil madaling araw na. Kaya lang maglalakad na sana ako papunta sa hagdan nang mar

