Nagsitalsikan lahat ng hotdogs na ibinato ko sa kawali. “It’s okay! It’s okay! I have it under control!” sabi ko sa mga katulong kahit hindi ko malaman kung kailan pa nagkaroon ng buhay ang mga hotdogs. Tinutusok ko ng syanse ‘yung hotdogs at kada pagtalsik ng mantika ay napapaatras at napapasigaw ako. Siguro’y ilang beses din itong nangyari bago ko naalalang hindi naman pala ako dapat matakot dahil may suot akong helmet galing sa kanilang garahe. Syempre kailangan handa muna ang mga equipment bago magsimulang magluto. “Ma’am kami na lang po ang magluluto…” pakiusap ni Ms. Roselle, ‘yung head cook ng mga Savage. Kasing edad ito ni Mama, mga nasa late 40s pero mukhang bata pa. Nagtatago sa likuran niya ‘yung mga assistant niya na natakot ko yata. Ayaw sana nila akong patungtungin sa kus

