Kabanata 4

3508 Words
Pagdating sa loob ng elevator ay tumawa si Bobbie bago pinindot ang 25th floor button. Samantalang kumukulo pa rin talaga ang dugo ko dahil kay Joaquin. “I’m sure everyone who saw you slap that man can also tell that he’s your ex-boyfriend and that he’s a cheater.” “And an asshole,” dagdag ko pa dahil hindi ako nakuntento. I want to bad-mouth him all day hanggang mawala ang inis ko kahit papaano. Pinagdikit ko ang labi ko at tumingin sa kawalan bago muling nagsalita. “Tama ka naman. Manloloko ‘yung gagong ‘yon.” Sana talaga nasampal ko pa siya kanina! “Oops watch your words. Malapit ka nang maging Savage. Hindi uumbra kay Mommy ‘yan,” sabi nito na para bang may pakielam pa ako sa sasabihin ng nanay niya sa mga oras na ‘to. Kung ‘yung pamilya ko nga hindi ako kayang hawakan sa leeg, ibang nanay pa kaya? Lalabas na sana ako ng elevator bago pa ito magsara nang hawakan niya ako sa braso. “What?” mataray na tanong ko. ‘Yung kuya niya napaka-controlling, tapos heto siya’t napakapakielamera naman. Magkapatid nga silang dalawa. “You’re not supposed to cause a scene like that. Ever. As long as you’re a Savage. Mamaya ka na umalis kapag humupa na ang sitwasyon,” Nagiba ang ekspresyon sa mukha niya kagaya na lang noong pinagsabihan niya ‘ko kanina. Para bang gusto niya akong takutin. Dapat ba akong matakot kapag naging Savage na ako? Not that I’m actually accepting my faith. “Yes whatever,” sabi ko tyaka bumuntong-hininga. Nakakaubos ng lakas ang araw na ‘to. Mukhang babalik na naman ako sa lugar na tinakasan ko nang maramdaman ko ang paggalaw ng elevator. Tamad akong sumandal sa malamig na pader habang nakatitig sa repleksyon ko. “What do you think about Kuya?” Tiningnan ako ni Bobbie at nagtaas ako ng isang kilay. Seryoso ba ito sa kanyang tanong? “Do you want to know the truth?” hamon ko bago humalukipkip. Tumawa naman siya. Her almond eyes looked similar to what Dax has. Well, she’s undeniably gorgeous. Maganda yata talaga ang kanilang lahi. “Nope. Mukhang alam ko na ang sagot. But you know… he’s actually not that bad once you get to know him,” mas may diin ang pagkakabigkas niya ng ‘that bad’ kaya hindi ko tuloy sigurado kung naniniwala ba siya sa sarili niyang opinyon o ako lang ang gusto niyang papaniwalain. “Just try to understand his upbringing and beliefs if you can. Kasi bata pa lang, inilatag na nila Mommy ang buhay niya. It’s not easy to change a man, especially a Savage.” Kahit na hindi ako nagsasalita, pinakikinggan at iniintindi ko ang sinasabi ni Bobbie tungkol kay Dax. May punto nga ito. Kahit si Kuya TJ ay napakaistrikto dahil siya ang tagapagmana ng kumpanya namin. Pero hindi naman ito kagaya ni Dax. Kaya pa rin nito mabuhay gaya ng normal na tao. It’s not as if he doesn’t have a mind of his own to decide for himself. Tinuruan kami ng mga magulang namin kung paano maging independent at tingin ko nasobrahan ako. “Can I give you an advice?” tanong nito pero hindi na inintay pa ang sagot ko bago nagpatuloy. “Kahit anong mangyari, kahit dumating pa sa puntong sabihin niyang mahal ka niya, don’t expect too much from Kuya. Masasaktan ka lang.” Kahit napakaliit ng chance na mahulog ang loob namin sa isa’t isa, hindi ko maiwasang mapaisip sa payo ni Bobbie. Bakit naman hindi ako pwedeng mag-expect sa kapatid niya? Bakit parang sinasabi niya ‘to na para bang nangyari na ito noon? I don’t get it. Dax is obviously a reliable man kaya bakit hindi dapat mag-expect sa kanya? Hindi ko na ito nalinaw kay Bobbie dahil bumukas na ang pinto ng elevator. Nauna siyang lumabas at dumiretso kay Miss Minchin na agad siyang niyakap pagkakita pa lang sa kanya. Mukhang malapit sila sa isa’t isa. ‘Yung seryosong Miss Minchin na kilala ko ay unang beses kong nakitang ngumiti dahil kay Bobbie. Hindi ko naiintindihan ‘yung pinaguusapan nila pero para bang may magandang balita si Bobbie rito kaya nagtatawanan sila. Napailing na lang ako bago pinindot ang elevator button pababa.  Pasalamat na lang ako at nakalimutan nila ang tungkol sa akin. Magsasarado na sana ‘yung pinto para bumalik sa ground floor nang may kamay na biglang humarang rito. Bumilis ang t***k ng puso ko. I could see a bite mark on them kaya napapikit ako nang mariin. Pag-angat ko ng tingin, dito ako nakaramdam ng kaba bago ngumisi. “Hello!” Ito na naman ako sa awkward kong pagkaway kay Dax. Seryoso lang niya ‘kong tiningnan. Hinilig nito ang kanyang ulo papunta sa direksyon ng kanyang opisina. Nagtaas naman ako ng dalawang kilay at nagkunwaring hindi siya naintindihan pero inulit lang niya ang ginawa niya. Umiling pa ako nang isang beses pero sinamaan na niya ako ng tingin kasabay ng kanyang paghilig. Wala talaga siyang balak hayaan akong makatakas. Nakuha ko naman ang gusto niyang mangyari. Pinababalik niya ako sa loob ng kanyang opisina. Nagipon ako ng hangin sa bibig ko bago padabog na sumunod sa gusto niyang mangyari. Kapag kasi hindi ako pumayag, posibleng hilahin niya ako at buhatin. O ‘di kaya, baka dumating ang mga tauhan niya para gawin ito sa kanya. Pinauna niya ako papasok ng kanyang opisina bago ko narinig ang pagsarado ng pinto sa likod ko. Ngayon ay naiwan na naman ako kasama siya. “I heard about what you did in the lobby,” sabi nito bago sumandal sa kanyang lamesa. Tumayo naman ako sa harapan niya at nagsimulang paglaruan ang suot kong heels. Dito na lang ako tumitig para hindi ako mahirapang magsalita. “Yup. Sabi ko naman sa ‘yo baliw ako. Basta-basta na lang ako nananakit,” baka sakaling umubra’t matakot na ito sa akin. "Baka sakmalin na lang kita bigla." Tumahimik siya pero maya-maya’y narinig ko ang paghakbang niya papalapit sa akin. Nahubad ang isang sapatos ko dahil sa paglalaro ko rito. At nabigla ako nang makita kong lumuhod siya sa harapan ko tyaka hinawakan ang sapatos ko. Kinuha niya ‘to at isinuot ng maayos sa paa ko bago tumingala sa akin. Mistulang bumagal ang oras nang magtagpo ang mga mata namin. Ang traydor kong puso bigla namang tumibok. Pinatahimik ko itong pilit pero para bang may sarili itong buhay. “So you tried to act like you’re sick, you became a nagger…” dahan-dahan siyang tumayo hanggang sa naging magkalebel na naman ang mukha namin. “…then you kissed me and ran away.” Major turn on: amoy mint ang bibig nito. I can’t explain how it smells exactly but it’s so good that I want to kiss him again! Mahahalatang wala siyang bisyo. Pinigilan ko ang paghinga ko dahil ayokong mas bumilis pa ang kabog ng dibdib ko. Sobrang lapit naman kasi ng bibig niya sa bibig ko! “Tapos nanampal ka ng empleyado ko?” Hahakbang sana ako ng isa paatras pero hinawakan niya ang likod ko at dinikit ang katawan ko sa kanya. Napahawak ako sa kanyang dibdib so he wouldn’t have the chance to feel my chest. “What’s really going on in your head? What is it made of?” halos maduling ako sa lapit ng mukha niya sa akin. Sa tuwing naguusap kami, gusto niya lagi ay nasa kanya ang buong atensyon ko. Itinulak ko siya papalayo para makahinga ako. “It’s made of fifty percent I-don’t-give-a-f**k-about-this-marriage and another fifty percent I-don’t-give-a-f**k-about-you. Satisfied?” Tinalikuran ko siya. Naghabol ako ng hininga at napahawak sa dibdib ko. Parang hihikain ako kahit wala naman akong hika. Umangat ang magkabilang gilid ng labi niya. Pagkatapos ay hinawakan niya ito bago napailing. “This is one of the reasons why I chose you. You’re really interesting and I want someone to make my life less boring.” “Edi sana humanap ka ng comedian.” “Actually, that’s not what I mean. But thanks for the suggestion.” Bakit ba kahit anong kapangitan ang ipakita ko sa lalaking ‘to ay hindi niya magawang ayawan ako? Pikon na pikon na ako. What would make him not want me? “Pinauna ko na ang maleta mo sa bahay. Pwede ka munang maglibot-libot ngayon dahil may meeting pa ako. Sabay tayong uuwi mamaya.” Nalaglag ang panga ko. Pinanunganan na niya ako dahil alam niyang tatakasan ko siya! Hindi ko na inantay pang i-dismiss niya ako at padabog na lumabas ng kanyang opisina. Hindi ko pinansin kahit nakasalubong ko si Bobbie dahil siya ang dahilan kung bakit hindi ako nakatakas. Ngayon ay sigurado akong may mga nakabantay na sa akin na tauhan nila kaya hindi ako basta-basta makakalabas ng building. Pagkasakay ko ng elevator ay dito ko nakita ang sunod-sunod na chat ni Kuya MJ sa akin. Sabi nito’y wag muna akong uuwi sa bahay dahil galit na galit sila Mama at Papa sa akin. Pahupain ko raw muna ang sitwasyon. Sinabi niya na uuwi rin ako isang linggo mula ngayon dahil sa may kinita akong kaibigan sa Maynila at nagbabakasyon ngayon. Hindi ko nga lang alam kung paano sila napaniwala ni Kuya MJ pero ang laki ng pasasalamat ko rito. I need his help until I figure out what to do with my problem. Pagbukas ng elevator ay lalabas na sana ako nang matigilan ako pagkakita sa isang babaeng siguro’y nasa early 60s na ang edad. Ang lakas kasi ng awra nito at amoy pa lang, masasabi ko nang hindi ito basta-basta. Oo’t amoy mayaman. Bukod pa ito sa mamahaling alahas at branded na damit na suot niya. Mukha siyang kontrabida sa mga palabas but I love her sense of fashion. Nakasuot ito ng shades na bahagya niyang binaba para tingnan ako ng mas mabuti. Ngumiti lang ako sa kanya at dapat sana’y magtatangka nang lumabas ulit nang pindutin nito ang elevator button pataas kaya nagsara. “Bababa pa ako-” “Reign Valderrama,” pagtawag nito sa pangalan ko. Kaya nagtaka ako kung bakit kilala ako nito. “I’m glad we finally met.” Tinitigan ko siya nang mas mabuti bago ko naisip kung sino ito. “Mrs. Savage?” “Mabuti naman at mukhang matalino kang bata.” Napangiti ako dahil sa papuri nito. “Yes! As a matter of fact I graduated Summa c*m Laude-” “But not smart enough para bumagay sa anak ko.” Kinilabutan ako. Hindi ko napigilan ang pagkunot ng noo ko. Alam kong mas matanda ito sa akin pero ang bastos nito gaya ng anak niya. May pinagmanahan nga si Dax. Oo nga naman, kumpleto ba naman ang madrama kong kwento kung walang matapobreng byenan? Pinindot ko ‘yung elevator button para magbukas bago pa sumakit ang ulo ko pero narinig ko pa siyang magsalita. “Valderrama Corporation.” Napahinto ako nang sabihin niya ang pangalan ng kumpanya namin. Kilala ako nito. Akala ko kagaya ni Dax ay walang nakakaalam tungkol sa totoo kong pagkatao. Pero mukhang hindi ko naisip na makapangyarihan sila at hindi ko rin naman tinatago ang tungkol sa pamilya ko. “You don’t have to be surprised. I know everything about you. Kahit ang kaliit-liitang detalye. Kaya hinayaan ko rin si Dax na piliin ka dahil hindi naman kami magiging dehado. Alam kong ikaw ang nagiisang anak na babae ng may-ari ng Valderrama Corporation.” Nanlamig ang buong katawan ko. Ibig sabihin ay may nakakaalam sa totoo kong pagkatao. Hindi na ako magtataka ngayon kung isang araw ay dumating na lang sina Kuya TJ dito para iuwi ako sa Batangas. “I don’t want to marry him,” sabi ko dahil baka ito na ang susi para makaalis ako rito. Tutal ay mukhang ayaw naman nito sa akin at ayaw ko rin sa kanya. Magkakasundo kami. “I heard you already signed the contract.” Naningkit ang kanyang mga mata, tila ba sinusuri ako. “Oo pero alam ko mas makapangyarihan ka kaysa kay Dax. I’m sure may magagawa ka para ma-void iyon. Hindi mo na ako kailangan pang abutan ng pera o buhusan ng tubig para layuan ang anak mo. Ako na mismo ang lalayo!” Natawa ito. Hindi ko alam kung magandang bagay o hindi pero sumeryoso lang ito pagkatapos. “Now I can see why my son chose you.” Pareho atang may saltik ang mag-ina. “We already rejected all the other applicants when we hired you. Kaya hindi na posibleng makahanap pa kami ng iba.” “Ang dami namang babae sa Pilipinas-” “Yes. Pero lahat ng qualified candidates ay na-reject na namin para sa ‘yo. Anak sila ng mga mayayamang pamilya rito sa Pilipinas. Sa tingin mo ay tatanggapin pa nilang maging asawa ni Dax at maging second option nito?” I bit my lower lip. Naalala ko tuloy ‘yung napakaraming babae sa lobby na naabutan ko. Lahat sila ay napaiyak ni Dax. So they were all invited and I, the intruder, was the one who got hired. Kung mayayaman sila ay hindi kakayanin ng pride nila tanggapin muli maging asawa ni Dax kahit isa pa itong Savage. “We also sent an invitation to your parents but they didn’t accept it. And then you came here by yourself and got hired.” Hindi na ako nagulat pa sa sinabi nito. Siguradong sina Kuya TJ ang unang-unang tumanggi sa imbitasyon nila. Baka nga hindi pa ito nakarating sa mga magulang ko e. “So there’s nothing you can do about it. You just have to accept the fact that you’re about to be a Savage and deal with it.” “Pero hindi ko alam ‘yung pinipirmahan ko! That’s unfair!” “Life is unfair. Life is supposed to be unfair. Kaya ngayong isiniksik mo ang sarili mo sa buhay ng anak ko. Siguraduhin mong hindi mo ito sisirain dahil ako ang makakalaban mo.” Bumukas na ang pinto ng elevator at hindi na ako nagtangka pang makipagtalo sa nanay ni Dax. Lumabas na ako at mabilis na naglakad papalayo. Kung hindi ako makakatakas sa sitwasyong ito, might as well use it to my advantage. Hindi naman pwedeng sila lang ang masaya. *** Mahigit isang oras. Oo’t mahigit isang oras na akong nakikipagtalo sa mga guard para payagan akong lumabas ng building. Ang dami nang empleyadong nakalusot pero kahit anong subok ko ay masyado silang matalino. “Please?” nagpaawa akong muli pero hindi ako tinitingnan nung dalawang lalaki. Talagang matigas ang mga ito. “I have lots of money. Magbabayad ako basta hayaan niyo lang akong makalabas ngayon. “Kailangan mong lumabas kasama si Mr. Savage. Iyon ang utos sa amin,” hindi ko na mabilang kung ilang beses na niya itong sinabi sa akin. Ayoko lang talaga ipahiya ang sarili ko kaya hindi ako nagwawala sa mga oras na ‘to. Habang abala ang mga bantay, kinuntsaba ko ‘yung isang empleyado rito at hiniram ang kanyang sumbrero’t salamin. Binayaran ko na lang ito dahil ayaw pa yatang magtiwala sa akin. Huminga ako  nang malalim bago muling dumiretso sa exit. Medyo iniba ko ang lakad ko dahil kanina’y para akong nagmomodelo. At nang kaunti na lang makakalagpas na ako sa mga bantay, may humawak sa sombrero ko kaya nalaglag ang buhok ko. Ito na naman ‘yung mga bantay kanina! Aba’t talagang balak nilang sundin si Dax! Dahil mukhang wala na talaga akong magagawa, bumalik na lang ako sa lobby at naupo rito. Wala akong dalang libro kaya sobrang bored na bored na ako. Tuloy ay binilang ko na lang ang bawat empleyado na lumalabas ng building habang nakapangalumbaba. Nakailang hikab ako habang ginagawa ito. Sana man lang kasi iniwanan ako ni Dax ng pwedeng gawin. Siguro’y pang isang daan na ang bilang ko nang may lalaking humarang sa harapan ko. Pagtingala ko ay agad akong napangiti. Hindi ko alam kung bakit pero natuwa akong makita si Dax. Sa wakas ay makakaalis na ako sa boring na lugar na ‘to. Mukhang nagtaka pa siya sa ikinilos ko pero hindi ko na lang ito pinansin pa. “Let’s go!” sabi ko at hinawakan ko siya sa braso bago hinila papunta sa harapan nung dalawang lalaki. Tumingkayad ako para maka-eye to eye contact ko sila bago nagsalita. “O pwede na? Pwede na?” winagayway ko ang braso ni Dax sa kanilang harapan bilang pass. Hindi sila nagsalita at naubo pa pagkakita sa ginawa ko. Yumuko sila sa amin ni Dax bago nagbigay ng daan kaya taas noo akong lumabas. May sasakyan namang nakahinto sa harapan ng building at pinagbuksan muli kami ng pinto. Una akong sumakay sa loob bago si Dax. I’m not supposed to be happy that I’m going with him. Pero mas ayos na akong siya ang kasama ko kaysa mag-isa ako gaya kanina. “Bakit ang tagal mo?” gusto kong bawiin ‘yung tanong ko pero hindi na pwede dahil narinig na niya. Nagtunog asawa na yata ako hindi pa man. “I had another urgent meeting,” monotonous na sagot nito. Nakakatuwa lang dahil talagang sinagot niya ang tanong ko. “Sorry, pinaghintay kita.” “Okay, okay! No worries,” pakantang sagot ko. “So saan tayo pupunta ngayon?” “Sa bahay,” kinagat ko ang labi ko. Kinailangan ko pang maproseso ang kanyang naging sagot sa akin. Sa bahay? Bahay nino? “Bahay niyo, bahay mo?” “Dapat ba magkaiba iyon?” Bumilog ang bibig ko. Hindi ako makapaniwala na magaasawa ito pero walang sariling bahay. Ibig sabihin ba ay makakasama ko sa iisang bubong ang nanay niya?! Na-imagine ko ulit ‘yung itsura nito lalo na ‘yung lapad ng kanyang beywang kaya hindi ko maisip ngayon kung paano kami magkakasya sa iisang lugar. Nakikita ko sa kanya si Ursula ng The Little Mermaid. “Do you want a different house?” bulalas niya na para bang sa isang iglap lang ay may lilitaw na bahay. Kung sabagay mukhang hindi naman ito mahirap para sa kanya. Marami naman siyang pera. “Itatawag ko na ngayon-” Inangat ko ang dalawang braso ko at pinagkrus ito sa kanyang harapan. “Hindi na kailangan. Isang taon lang naman ito diba? At baka mas mabilis pa. Sayang lang 'yung bahay,” sabi ko naman sa kanya. Oo’t ayaw kong pakasal kay Dax pero may naisip akong magandang kapalit ng gagawin ko para sa kanya at bukas niya ‘yon malalaman. Sa ngayon ay gusto ko munang ipahinga ang isip at katawan ko kaya wala ako sa mood makipagtalo. Sumandal ako nang mas maayos bago pumikit. “Nakakalungkot lang. Akala ko pag kinasal ako makakatanggap ako ng pinaghandaan at pinaghirapang proposal mula sa lalaking mahal ko. Pero mukhang hindi na mangyayari ‘yon,” naisip ko ‘yung drawing ko nung bata pa lang ako. I’ve always wanted to have a beautiful proposal. Oo’t hindi kasal kung hindi proposal. Kasi pakiramdam ko mas espesyal ‘yung sandaling hihingin nung lalaki ‘yung matamis na oo ng isang babae. Pagdating kasi sa kasal, nakakapagod na ‘yung preparation. Tapos may mga tao pang imbitado na hindi malapit sa ‘yo. At least sa proposal, kayong dalawa lang talaga ng taong mahal mo. “’Wag mo nang subukang tumakas mamaya,” paalala niya kaya heto na naman ako’t napairap sa kanya. “May mga tao na akong nakabantay sa mansyon.” “Yes, boss. Baka gusto mo igapos pa ako o hambalusin para ‘di ako makatakas,” biro ko pero nakita kong kumunot ang noo niya. “I will never hurt you-” “Joke lang naman syempre-” “Hindi iyon ginagawang biro.” Napaka-killjoy naman nito kahit kailan. Umalog ang sasakyan bigla kaya nawala ako sa pagkakasandal at nasubsob. Humawak agad ako para bumalanse. Pero nanlaki ang mga mata ko dahil iba ang nahawakan ko imbes na upuan! Nagkatinginan kami ng dahan-dahan ni Dax dahil ibang Dax ang nahawakan ko! Lumayo agad ako mula sa kanya at bumalik sa pagkakasandal. Pagkatapos ay tumingin ako sa bintana bago kinagat ang labi ko. Napamura ako ng ilang beses sa isip ko at nagdasal na wag na niya itong ungkatin pa dahil sobrang nakakahiya talaga. Ang init ng buong mukha ko. Ilang araw pa lang kami nagkakasama pero parang ang dami nang nangyari. I can’t imagine that I’d be married with him in just 2 weeks! Mabuti naman wala nang nagsalita pa sa aming dalawa hanggang sa huminto na ang sasakyan. Bumaba kami pareho ni Dax pagkabukas ng pinto at dito lang ako nakahinga nang maluwag. “Nakauwi na si Bobbie. Inayos na niya ‘yung kwarto natin. She’ll be the one to help you-” “Natin?” Ibig sabihin ba… “Oo. Gusto mo bang magkaroon ng sariling kwarto?” Napasapo ako sa noo ko at dahil ayoko ngang makipagtalo ay iniba ko na lang ang usapan. Kung makapagtanong kasi siya parang balak talaga niya bigay anuman ang hilingin ko. Mas maganda nang wala siyang ipangako because I hate broken promises the most. “Wait. Hindi mo ba ako sasamahan sa loob?” parang batang tanong ko. Kasi syempre hindi naman ako pamilyar sa lugar na ‘to. “Mamaya pa. Babalik ako sa opisina,” umigting ang kanyang panga. “Akala ko ba tapos na ‘yung meeting mo? Pinapasweldo ka ba ng overtime?” hinawi ko ang buhok ko. “I own the company,” Oo nga pala! Gusto kong paluin ang noo ko pero pinigilan ko ang sarili ko. “Okay fine. Mag-ingat ka na lang. Bahala ka kung may multo roon,” sabi ko bago siya talikuran. “Kung gusto mo naman ng kasama pwede mo naman ako pakiusapan.” Inisip kong aayain niya ako pero wala naman na siyang sinabi pabalik. Pero nang marinig ko ang pagsarado ng pinto at pagandar ng sasakyan ay nilingon ko pa ito. Talaga pa lang iiwan niya ako ngayong unang gabi ko sa bahay nila. Para tuloy akong pusang ligaw na basta na lang iniwan. Sana isinama na lang niya ako. Mas ayos pa sa akin iyon… O ‘di kaya, sana hinayaan na lang niya ‘kong umuwi sa condo unit ko. I’d be more comfortable to have my own space. Gaano ba kahalaga ang trabaho para sa kanya at kailangan niyang halos doon na tumira? Parang tama nga si Bobbie sa kanyang sinabi. Sa nakikita ko’y sobrang workaholic ni Dax. Kapag kinasal kaya kami ay posibleng magbago siya? I can’t stay in their house without him everytime. Hawak ang maleta ko’y naglakad ako papunta sa pinton ng bahay nila at napasinghap nang makita ang imahe ng malaking leon na nakahulma rito.   The Savage mansion will definitely give me a heart attack.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD