Chrollo's POV Nalaman ko na ngang buntis si Daisy at ang anak namin ay nanganganib ang buhay niya. Dalawang linggo na rin hindi nagigising si Wyst at kahit na-operahan na siya, patuloy pa rin siyang nagkakasakit dahil na rin sa complication ng puso niya. We need another donor for her heart. When there is a chance for her to wake up, we will take her to America to treat her there. Halos madurog ako sa nakikita ko kay Wysteria at alam kong kasalanan ko ito. Alam kong galit pa rin sa akin si Daisy pero kinausap ko siya. Kumontak ako sa kakilala kong doctor at may maghahanap na raw silang match sa puso ni Wyst. "Our child needs our support. Please, huwag muna tayong mag-away ngayon," umiiyak na pakiusap ko kay Daisy. Lumuhod ako sa harapan niya habang nasa loob kami ng kuwarto na kung saan

