Nasa operating room pa rin si Wysteria at patuloy pa rin ang pananalangin ng dalawa. Halos labing dalawang oras na silang naghihintay sa kalagayan ni Wyst. Halata ang puyat at pagod nina Daisy at Chrollo habang naghihintay sila nang ibabalita ng doktor sa kanila. Nag-aalala naman si Chrollo dahil buntis si Daisy. "Daisy, matulog ka muna sa hita ko. Alam kong pagod ka at gisingin na lang kita kapag may ibabalita na ang doctor sa atin," pag-aalalang wika ni Chrollo sa kaniya. "A-Ayoko po sir. Ayokong matulog. Hangga't hindi ako nakakasigurong maayos si Wyst, hindi ako matutulog," lumuluhang saad nito sa kaniya. "Please, matulog ka muna. Nakakasama sa'yo dahil you are pregnant. I promise, babantayan kita," nakangiting tugon nito sa kaniya. "Ayoko sir! Baka pagkagising ko, mawawala siya

