Chrollo's POV Hindi ko akalain na susugod si Raymond dito sa mansion namin. Nag-aalala ako kay Daisy dahil iyak siya nang iyak kagabi. Napakalma ko rin siya nang sinabi kong hindi ako aalis sa tabi niya. "I promise I won't leave by your side. I'm just here babe," pag-aalala kong saad sa kaniya habang pinupunasan ko ang luha niya. "Thank you babe, dahil parati kang nariyan sa tabi ko." "Of course because I love you, Daisy. Huwag ka nang umiyak nakakasama iyan sa baby natin, okay?!" At saka na siya nakatulog at binantayan ko siya habang mahimbing siyang nakahiga sa kama. Kailangan kong magsampa ng kaso laban kay Raymond at hindi ko pahihintulutang mangyari pa ang panunugod niya rito sa pamamahay ko. Nilipat ko rin si Wysteria rito sa kuwarto namin at dahil ayoko siyang nag-iisa sa room

