Chrollo's POV Sa ngayon ay malapit- lapit na ngang manganak si Daisy. Hinahayaan kong gawin ang gusto niya at in-enroll ko siya sa yoga school para makapag-relax naman siya. Ayoko siyang ma-stress at hindi ko na siya pinayagang magluto dahil medyo maselan ang ipinagbubuntis niya. Nag-adjust na rin ang baby ate ko sa new school niya. Kaya lang naging napakadaldal niya at hindi nauubusan ng kuwento sa akin. But at least alam ko ang mga ginagawa niya sa school niya. Pangalawa pala siyang top sa section nila at nangunguna pa rin si Keiden Lohmeyer. "Daddy, sorry hindi ko po talaga nakukuha ang top 1," malungkot niyang saad sa akin. Hinimas ko ang ulo niya at hinalikan ko ang noo niya. "It is okay baby ate. Kahit hindi ka pa makuha, proud pa rin ako dahil mabuti kang bata." Kumuha ako ng pr

