NAGPAPAHINGA si Julius ng mga oras na iyon ngunit nabulabog siya dahil sa malakas na kalampag ng kaniyang pintuan. Tinatamad man siyang bumangon ngunit mukhang masisira ang kaniyang pinto kapag hindi niya ito pagbuksan. "Makakatok ka naman parang magde-demolish ka ng bahay," masungit niyang bungad kay Maurice matapos niyang pagbuksan ito ng pinto. "I'm sorry to disturb you! Pero maglalaba sana ako. Marami na akong labahan eh," ani ni Maurice. "Kailangan mo ba ng tulong ko?" naguguluhang saad niya. Umiling si Maurice. "Itatanong ko lang sana kung saan nakalagay ang washing machine natin." Mahinang natawa si Julius. "Ikaw talaga, lahat na lang ba ng mga gawaing bahay dapat gamitan mo ng mga bagay na de-kuryente? Una, hinanapan mo ako ng dishwasher machine, sunod vacuum cleaner at ngayo

