MAHABA-HABA ang tulog ni Maurice sa duyan at nagising siya dahil sa patak ng ulan sa bubong. Nataranta siya dahil baka nabasa lang ng ulan ang kaniyang mga damit na pinagpaguran niyang labhan. At naging dahilan upang magkaroon siya ng maraming sugat sa kamay. Subalit nang tingnan niya isa-isa ang mga daliri ay laking pagtataka niya nang makitang may mga band-aid sa parteng may mga sugat. At sa kaniyang pagsilip ng mga damit na sinampay niya ay wala na rin doon sa sampayan. Bagkus ay nakasilong na sa ibaba at maging ang kaniyang mga binabad na ay nalabhan na. Hangang-hanga si Maurice kay Julius dahil napakalinis ng nilabhan nito. Wala man lang naiwan na bakas ng dugo sa kaniyang underwear na kanina lang ay hirap na hirap siya kung paano tanggalin. Dahil doon ay hinanap ni Maurice si Juliu

