NAKASUNOD si Maurice sa itim na sasakyang minamaneho ni Blake. Sakto lang ang pagpapatakbo ni Blake at maayos ang daloy ng trapiko kung kaya’t nasusundan niya ito. Nang maalala niyang sa unahan ay may madadaanan siyang botika ay sinadya niyang bagalan ang takbo at gumilid siya upang matawagan niya si Trixie. Mabuti naman at hindi bawal pumarada sa kalyeng iyon. Kinuha ni Maurice ang cellphone niya na nakapatong sa dashboard ng kaniyang sasakyan. Hinanap niya ang cellphone number ni Trixie at tinawagan ito. Ni-loud speaker niya ang cellphone at ipinatong muli sa dashboard ng kaniyang sasakyan. Kailangan niya kasing mag-spray ng alcohol sa kaniyang palad dahil namamawis na naman iyon. Matagal-tagal na hinintay ni Maurice na sagutin ni Trixie ang tawag niya. Hanggang sa boses ng babae ang

