HABANG sama-sama silang kumakain sa malawak at magarang hapag-kainan nina Kathy ay madaldal na nagkukuwento si Trixie. Samantalang si Maurice ay tahimik lamang na nakikinig at kumakain. Paano ba naman kasi, kaharap niya si Blake. Si Blake na kung sa physical appearance titingnan ay para itong si Julius. Pakiramdam tuloy ni Maurice ay si Julius ang kaharap niya kaya't hindi siya makakakain ng maayos. Naiilang siya at napansin iyon ng kaniyang kapatid. "Are you alright, baby girl?" tanong ng kaniyang Kuya Dylan. "Kanina ko pa napapansin na parang balisa ka riyan sa kinauupuan mo," anito pa. "I'm fine, kuya. Wala lang yata akong ganang kumain," tugon niya. Nasabi ni Maurice na wala siyang gana. Pero ang totoo ay sarap na sarap at takam na takam siya sa mga pagkaing nakahain sa mesa. Hindi

