WEEKEND ngayon at pumasyal si Maurice sa bahay ng kaniyang Kuya Dylan. Ilang araw na lang ay birthday na ni Lea at napag-alaman niyang black dress and black suit ang outfit code ng mga invited guest. Iyan ang naging topiko ng kanilang usapan ngayon habang sila ay nasa sala. "Ate Kath, may mga black dress ka ba riyan?" tanong ni Maurice sa kaniyang hipag. "Marami! Ano gusto mo? Backless, halter, cocktail or sleeveless?" ani ni Kathy. "Ilabas mo nga, ate. Kasi kung may bumagay sa akin ay hindi na ako bibili," wika niya. "Hihiram din po ako, ate!" singit ni Jean. Inutusan ni Kathy ang isang kasambahay nila na dalhin sa sala ang lahat ng black dress niya na naka-hanger sa walk-in closet nito. Agad namang tumalima ang babae at sumakay ng elevator upang mabilis nitong marating ang third fl

