NASA ISANG sikat na beach resort ngayon si Julius. Pinili niyang tumambay muna ng ilang araw sa resort para mag-relax at maihanda niya ang sarili sa pagbalik niya sa kaniyang opisina. Dapat sana ay nasa bahay lang siya subalit hindi rin siya makapag-relax sa mismong pamamahay niya dahil sa kakulitan ni James. Maya't maya siya kung puntahan ni James at hindi ito tumitigil na suyuin siya upang pumayag siyang ligawan nito si Ren-Ren. Naglalakad si Julius ngayon sa buhanginan habang may bitbit na fruit shake at ini-enjoy ang paglubog ng araw. Napahinto siya sa paglalakad nang marinig ang pagtunog ng kaniyang cellphone at pag-vibrate niyon. At nang tingnan niya ay halos mabitawan ni Julius ang kaniyang cellphone nang mabasa ang pangalan ni Maurice sa notification na nag-pop up. Ang buong akala

