NATAPOS ang buong araw ni Maurice sa loob ng kompanya ng kaniyang kapatid. Ngayon nga ay sakay na siya ng elevator pababa sa ground floor kasabay ang kaniyang Kuya Dylan. "Ayos ka lang ba?" naitanong ng kaniyang kapatid habang nasa loob sila ng elevator. Nataon na silang dalawa lang sa loob ng elevator kaya't naisipan ng kaniyang kapatid na kausapin siya. "Yes naman, kuya!" sagot niya. "Bakit mo naman po naitanong?" Inakbayan siya ng kaniyang kapatid. "Kahit hindi mo sabihin sa akin, nababasa ko pa rin sa mga mata at kilos mo na may pinagdadaanan ka. Keep going lang, baby girl. Mahal na mahal ka namin," "M-Maraming salamat, kuya." Hindi niya napigilan ang sariling humilig sa balikat ng kaniyang kapatid. "Nandito lang ako..." bulong ng kaniyang Kuya Dylan habang nakasandal siya rito.

