BUMABA si Maurice sa kaniyang sasakyan nang maiparada ito nang maayos. Ito ang unang araw niya sa pagbalik trabaho sa kompanya ng kaniyang Kuya Dylan. Mahigit dalawang buwan din na hindi niya nakita itong gusali buhat nang mag-resign siya at gumawa ng desisyon na pinagsisihan niya rin. Naglakad si Maurice papunta sa main entrance door ng building. Pinagtitinginan siya ng mga empleyado ng kaniyang kapatid na marahil nagtataka kung bakit narito siya ngayon gayong nag-resign na siya. Higit sa lahat baka ang pinag-uusapan ng mga ito ay ang pagiging ampon niya ng mga Monteverde. Nagbubulungan din ang mga ito at halata niyang siya ang pinag-uusapan dahil sa tuwing lumingon siya sa mga nag-uusap ay tumatahimik ang mga ito. Hindi na lang ni Maurice pinansin ang mga ito dahil ayaw niyang masira

