"NASAAN AKO?" mahinang tanong ni Maurice nang magising at nagpalinga-linga sa paligid. Nakita ni Maurice ang sariling nakahiga sa tambak na tuyong dahon. Doon na lang niya napagtanto na hinimatay siya at mabuti na lang walang insekto o langgam sa pinaghigaan niya. Sinubukan niyang gumalaw kung maayos na ang kaniyang paa ngunit mas tumindi lalo ang sakit niyon at mukhang namamaga na. Pinakiramdaman niya ang paligid at tunog pa rin ng iba't ibang ibon ang kaniyang naririnig. Kinapa niya ang kaniyang bulsa nang maalala na may dala siyang cellphone dahil baka may signal na sa bahaging iyon. Subalit bigo siya dahil wala na ang cellphone niya sa kaniyang bulsa at hindi niya alam kung saan na iyon napunta. "Aray! Tulong!" daing niya. Sinikap ni Maurice na lakasan ang kaniyang boses upang u

