TANGHALI na nang magising si Julius. Nagising siyang mag-isa na lang sa kama kaya't tumayo siya at agad na nagbihis. Pagkabihis ay agad siyang lumabas ng kaniyang silid upang hanapin si Maurice. Lasing na lasing man siya kagabi pero alam na alam niya ang lahat ng nangyari at ngayon ay kailangan nilang mag-usap tungkol doon. "Maurice! Maurice!" tawag niya sa pangalan nito. Unang pinuntahan ni Julius ay ang silid ni Maurice ngunit nang buksan nito ay wala namang tao roon. Sunod ay bumaba siya at patuloy ang ginagawa niyang pagtawag sa pangalan nito. Hanggang sa malibot na niya ang kabuuan ng rest house ay walang Maurice siyang nakita at mistulang kumakausap lang siya sa hangin. "Saan kaya pumunta ang babaeng iyon?" kamot-ulo niyang tanong sa hangin. Minabuti ni Julius na bumalik sa taas

