KASALUKUYANG nagpapagaling si Maurice sa hospital. Ilang araw na siyang namalagi roon at hindi pa binibisita ng mga magulang. Tanging ang mga kapatid at hipag niya lang ang salit-salitang bumibisita at nag-aalaga sa kaniya. Ngayon ngang araw ay dalawa ang nagbabantay sa kaniya. Ang kaniyang Kuy Dylan at Ate Kathy. Maayos na ng kaniyang pakiramdam at naghilom na rin ang kaniyang mga galos. Ngunit nakabenda pa rin sa ngayon ang kaniyang paa pero nagagalaw na niya iyon kahit papaano. "Baby girl, kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ng kaniyang Kuya Dylan. "Okay lang po, kuya," tugon niya. "Pwede ba kitang makausap?" nagsimulang maging seryoso ang kanilang usapan. Nang pumayag siya ay pinalabas pa ng kaniyang Kuya Dylan ang asawa nito at sinarado ang ward kung saan siya ngayon. "Ano po iy

