PAGKALABAS ng hospital ni Maurice ay dumeretso agad siya pauwi sa Casa Monteverde. Sakay ng sasakyan ng kaniyang Kuya Daniel ay sabik siyang bumaba. Patakbo niyang tinalunton ang danaanan papasok ng sala mula sa garahe at pagpasok niya sa sala ay sabay-sabay na sumigaw ng "WELCOME HOME!" ang mga taong naroon. Nang makita ni Maurice ang kaniyang mga magulang ay agad siyang yumakap dito ng mahigpit. Hinalikan niya rin ang kaniyang Mommy Beth na miss na miss niya. Magdadalawang buwan pa lamang siyang nawalay sa mga ito ngunit pakiramdam niya ay taon na ang lumipas. "I miss you, mommy!" sambit niya habang tila ayaw niyang kumalas sa pagkakayakap sa kinikilalang ina niya. "I really miss you too!" Hagod-hagod ni Doña Elizabeth ang kaniyang kikod habang nakayakap pa rin rito. Inaya si Maurice

