KASABAY na ni Maurice si Jovan habang naglalakad patungo sa rest house. May dalang knapsack bag si Jovan na nakasukbit sa balikat nito at hawak-hawak ng isang kamay ang cellphone. Ang ipinagtataka ay ilang beses niya itong nahuling titig na titig sa kaniya. Tumikhim si Maurice bago magsalita. “Bakit titig na titig na kasa akin?” tanong niya. “I-I’m so sorry, ma’am! You’re so very familiar to me at hindi ko lang alam kung saan ko kayo nakita.” wika ni Jovan na hindi pa maalis-alis ang tingin sa mukha niya. Natigilan si Maurice nang marinig ang sinabi ni Jovan na pamilyar siya rito. "Baka kamukha ko lang," nasabi niya at lihim na ipinagdasal na sana hindi siya nito makilala na isa siyang Monteverde. "Baka nga, ma'am!" ani rin ni Jovan. Upang maiba ang kanilang usapan ay naisipan n

