INIWAN ni Julius si Maurice sa Isla Palahuwayan at si Jovan ang kasama nito ngayon. Sa kadahilanang halos paubos na ang kanilang mga pang-araw-araw na pangangailangan doon ay kinailangan niyang lumuwas. Makikipagkita siya sa kaniyang ninong upang matugunan ang kanilang pangangailangan sa isla. Ngunit bago pa man iyon ay pupuntahan niya muna si Danica sa bahay nito dahil sabik na siyang mayakap ang babaeng pinakamamahal niya. Sinundo si Julius ng kaniyang driver at isang tauhan niya sa resort nang makadaong ang kaniyang sinasakyang speed boat. At ngayon ay sakay na siya ng kaniyang kotse patungo sa bahay ni Danica. Habang tahimik siyang nakaupo sa loob ng sasakyan ay may inabot itong isang tauhan niya na maliit na envelope. "What is this?" takang tanong niya. "That's another proof that

