MAGKAKASUNOD nilang pinuntahan ang kinaroroonan ni Danica at ama ni James ngayon. Si Julius ay lulan ng kaniyang kotse kasama ang driver at isang tauhan. Si James naman ay kasama ang ina nito sa isang sasakyan. Malakas ang kabog ng dibdib ni Julius dahil hindi makapaniwala sa ginawa ni Danica. Pakiramdam niya ay nanaginip lang siya ngayon na hindi maipaliwanag. Magkahalong galit, sakit at kahihiyan ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon dahil sa kagagawan ni Danica. Hindi siya makapaniwala na nagawang siyang ipagpalit ni Danica. For what reason? Dahil ba sa pera? Kung pera ang pag-uusapan, eh mas mayaman pa nga siya kina James. Kung kay James na lang sana nagluko si Danica ay tanggap niya. Pero ipinagpalit siya sa matanda na pamilyado pa ay isang malaking insulto iyon para sa kaniya.

