NAKADUNGAW sa balkonahe si Maurice habang nakatanaw sa malawak na karagatan. Kanina pa siya nakatayo sa dakong iyon ng rest house na para bang may hinihintay na dumating. Bakas sa mga mata niya ang lungkot na tila nangungulila. Sa mga oras na iyon ay malapit nang lumubog ang araw sa Isla Palahuwayan. Nagbitaw siya ng malalim na paghinga. Sa wakas ay patapos na ang isang araw at tatlong araw na lang ang hihintayin niya para sa pagbalik ni Julius sa isla. Panibagong araw ng pag-aabang na naman ang gagawin niya bukas. "Hindi ka ba napapagod sa katatayo riyan?" sita ni Jovan. "Sa susunod na araw pa ang balik ni Sir Julius at tiyak na abala iyon sa pagtatanim ng pipino ngayon." Na-gets ni Maurice agad ang ibig sabihin ni Jovan at hindi niya naitago sa mga mata ang selos. Iniisip niya pa lang

