MAGKATABING nakaupo sa isang bench na upuan sina Maurice at Julius. Sa harapan nila ay may maliit na mesa at mayroon silang tig-iisang baso. Si Julius ang taga-salin ng alak sa baso nilang dalawa at sa bilang niya pang-tatlong shot pa lang nila nitong ininumin niya. "Cheers!" Itinaas ni Maurice ang square rocks glass na hawak. "Tatlong shot na punong-puno pa ng yelo ang baso pero mukhang lasing na! Ang weak mo!" natatawang sabi ni Julius sa kaniya. "Ano? Namumula lang ako pero hindi pa ako lasing! Ganyan talaga ang mga tisay!" bwelta niya kay Julius. Sinipat ni Julius ang mukha niya kaya't ngumisi siya. Kumuha pa siya ng isang hiwa ng lemon saka sinipsip iyon habang nakatingin kay Julius. Kaagad naman na umiiwas si Julius at ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. "Ano pala ang dahil

