Timothy POV Nagising akong wala na si Letecia sa higaan nya.Pupungas-pungas akong bumangon at dumiretso na sa labas.Nakahinga ako ng maluwag ng makitang andon lang ito sa tabi ni Nanay Fe,nakaupo sa upuan.Akala ko tumakas na ito. Paano naman yan tatakas?Hindi naman nyan alam kung saan mo sya dinala.Sabi ng isip ko. Paano kung nagtanong kina nanay Fe?.Sagot ng kabilang utak ko. Hayst,para na akong baliw nito,ngayon lang ito nangyari na kinausap ko ang aking sarili gamit ang aking utak.Nakakabaliw pala ang pag-ibig.Parang tangang kausap ko sa aking sarili. Umalis muna ako saglit ng tumunog ang aking cellphone sa aking bulsa.Si Gabriel ang tumawag. "Speak,I'm listening."Sabi ko pagkasagot ko ng tawag. "Mag-ingat kayo palagi diyan,pinaghahanap kayo ng kalaban.Hindi na muna ako susunod s

