Letecia POV Nagising ako bandang tanghali na,napasarap ata ang tulog ko.Ang ganda naman kasi sa pakiramdam na kinakalong ka sa lalaking nagpapabilis ng t***k ng iyong puso.Ngunit nakakagulo lang ng isip, bakit kaya parang ang familiar ng feelings.Bakit parang kilala ko na itong si Timothy ng matagal.Nong nasa bisig nya ako kanina,may familiar na pakiramdam akong naramdaman. Ipinilig ko nalang ang aking ulo at bumangon na ngunit nabigla ako sa aking nakita.Si Timothy lang naman na tulog na tulog sa sofa malapit sa kamang hinihigaan ko.Pilit na kinakasya ang katawan sa sofa.Hindi kaya sumasakit ang katawan nito sa kanyang ginawa?Pinapahirapan lang nya ang kanyang sarili.Wala bang ibang kwarto dito? Oh baka binabantayan nya ako?At bakit naman?Hindi naman ako tatakas,hindi ko nga alam kung s

