Habang nakatingin sa lalaking nakahiga sa harap ko ay parang gusto kung kunin at itakip sa mukha niya hanggang sa 'di siya makahinga o dili naman kaya'y sipain siya hanggang sa mahulog siya sa kama. Halos manakit ang braso ko kakabuhat sa kanya mabuti nalang narinig ako ng isang bodyguard nila at tinulongan ako. Kung hindi ay baka pinagulong ko na 'to sa pool at hinayaang malunod. "Hmmm" "Busalan ko kaya 'yong bibig mo ng hindi ka ungol ng ungol," kausap mo dito kahit alam kung hindi niya rin naman ako naririnig. Matapos ko siyang linisan ay mabihisan ay parang wala man lang nangyari dito at ang sarap pa ng tulog. "Mahal kita alam mo ba?" gulat kung nilingon si North ng marinig itong magsalita. Mapait akong napangiti ng makitang mahimbing lang itong natutulog doon. Nananaginip ba 'to

