Napapailing ako habang pinapanood si Alitha na pabalik-balik na naglalakad sa kusina. Hindi ako ang gumagawa noon pero napapagod ako kakatingin sa kanya kaya nilapitan ko siya at iniupo sa may counter island. "Buntis ka ba?" Kunot-noo siyang lumingon, "hindi noh! Baliw 'to!" asik niya habang nakasimangot at mas lalong humaba ang nguso. "Iyon naman pala bakit hindi ka mapakali? At kanina ka pa lakad ng lakad napapagod ako kakatingin sa'yo." Napabuntong-hininga siya bago iritadong sinuklay ang buhok. "Its about the meeting." "Anong problema doon?" pagak akong natawa ng marealize kung ba't siya nagkakaganon. Ito ang araw na ipapakilala ko sila ni Nari sa parents ko. Isang linggo na din mula ng may mangyari sa amin at hindi talaga ako pumayag na bumalik kami sa dati. "Kinabahan ka? M

