Isang linggo. Ganoon na ako katagal dito pero kahit isang tao walang makapagsabi kung bakit ako nandito. Pero hindi na ako nagulat ng makita ko sa sala ng mansion si Seb na prenteng nakaupo.
He smiled. "So they really found you—" I rolled my eyes on him. "That's so very you. So what happen?"
"Stop asking as if were close Sebastian—"
"Woah! Whole name—"
"What brought you here?"
"You brought me here, c'mon its obvious Ali. Your back, so as our wedding—aww what that's for?" angil niya ng batohin ko siya ng tsinelas.
"At pumayag ka? Wag mong sabihing after three years pinaghawakan mo ang pinangako sa'yo ng Tatay ko?" Ngumisi siya. "Wag mo akong umpisahan Seb."
"Your family and mine were tied as hell Ali. So you can't blame me if im here in front of you. Coz as far as im concern, were still engage unless you married that f*****g singer." Pinandilatan ko siya ng mata at sinenyasang hinaan ang boses. "oh so, hindi alam ni Senator. That's interesting!"
"I'll kick ass, Seb if you find that interesting."
"Whoa! Chill lang tayo baby. Dahil alam mo ang kapalit kung hindi ako tatayo dito sa harap mo?"
"Sebastian in my office," sabay naming tiningala ang lalaking dumungaw mula sa ikalawang palapag ng mansion.
Agad akong pumunta ng kusina para maghanap ng pwedeng hiraman ko ng telepono. Kailangan kung matawagan ang anak ko dahil alam kung nag-aalala na sila.
"Manang Thelma..." tawag ko sa mayordomang simula pagkabata ay naninilbihan na sa amin.
"May kailagan ka ba Senyorita?"
"Pwede bang pahiramin mo ako ng cellphone? May kailangan akong tawagan importante lant po talaga."
"Patawad Senyorita, pero ang suwayin ang Senator ang kahuli-hulihan kung gagawin."
Ilang beses ko pang pinaki-usapan si Manang Thelma o ang ibang kasambahay na kilala ko. Pero gaya ng una tumanggi sila takot na madamay sa galit ng Tatay ko. Bagsak ang balikat na bumalik ako ng silid ko para maabutan doon si Kuya na ini inspection ang buong kwarto ko.
"Kung tatakas ako unang araw palang, Kuya." Nagkibit balikat siya bago muling umikot sa buong silid.
"You know why im doing this Ali. If you just marry that f*****g bastard then were done here. You're supposed to have a peaceful life." Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya.
Coz when you get married the messed and controlling doesn't stop their it was just the beginning of your own hell. That's what I learn from him.
"Like peaceful as you? No, thank's Kuya Fonso but I still love my life."
"Yeah, a life that I think your not getting back again."
"Don't be so sure about that Kuya. I have my way's just wait and see." Mayabang ko pang pahayag sa kanya. Pero ang sumunod niyang sinabi ang nagpatigil sa akin.
"Oh, and wait how our father's reaction when he sees his granddaughter—"
And I lost it....
I f*****g lost it and punch my brother right on his face.
"Don't—don't you dare include my daughter on this messed, Kuya. Coz I don't f*****g care if we shared the same blood!"
"It really did hit a nerve. So hide her well my little sister coz Althea is on it now." He smirked and wipe the blood on his lip, as he walk out of my room.
"s**t! s**t!"
Kailangan kung matawagan si North. Hindi siya pwedeng makita ni Papa dahil gagawin lang siyang collateral ni Papa para sa lahat ng gusto niya. Magkakaroon na siya ng rason para hawakan ako. Damn it! Damn it!
Para akong tanga doon na pabalik-balik sa kwarto ko pero wala pa ring maisip na paraan para mailayo ang mag-ama ko. Tang'na mag-ama ko 'yon dahil kahit gago ang lalaking 'yon siya pa rin ang Tatay ng anak ko. Siya pa rin ang lalaking pinagkatiwalaan ko ng buong buhay ko at ang lalaking una kung minahal.
Desperate is my only word right now.
Halos mapatalon ako sa gulat ng may kumatok sa pinto at sumungaw mula doon si Ate Astrid. Ngumiti siya, iyong ngiti na hindi mo matatanggihan at ngiting alam mong puro. Sinenyasan ko siyang pumasok sa loob pero laking gulat ko ng pagkapasok niya ay nilock niya ang pinto at pinakita ang isang bagay na ikakamatay ko para lang magkaroon. Halos itapon ko ang sarili ko sa kanya ng yakapin ko siya.
She really is my savior.. always.
Wala akong inaksayang oras at agad tinawagan ang cellphone ni Nari. Binilhan ko siya ng android watch para matrace ko kung ayos lang siya kapag wala ako.
"Baby..."
"Mama.." Halos hindi ako makahinga sa sobrang takot at tuwa na naririnig ko ang boses niya. "I miss you, Mama."
Iyong kanina ko pa pinipigilang luha ay unti-unti ng bumuhos. Iyong mga salitang 'yon ang ayaw kung marinig mula kay Nari dahil ibig sabihin nagkahiwalay kami. Tahimik akong umiiyak habang nakikinig sa kanya at panaka-nakang pinupunasan ni Ate Astrid ang mukha ko.
"Okay baby. I love you too. Always remember that! Now let me talk to your Papa." Napangiti ako ng magtalo pa silang mag-ama dahil hindi naniniwala ang Papa niya.
"Alitha...is that you?"
"Meron ka pa bang ibang Alitha na gustong kausa Northemio? Kung meron sabihin mo lang ipapatumba ko." Natawa ako ng marinig ko pa siyang mahinang nagmumura sa kabilang linya. "Watch your mouth Mister your daughter might hear you."
"f**k, can't help it. Im at the veranda she can't hear me. What happen love? Nasaan ka ba? Nag-aalala kami ng anak mo sa'yo o baka naman tinataguan mo lang talaga ako." Hindi ko mapigilang hindi mangiti bakas ang pag-aalala sa boses niya. Kahit itanggi ko alam kung natutuwa akong ganito ang naririnig mula sa kanya, dahil kung hindi baka madismaya lang ako. Noong mga nakaraang araw ay ingat na ingat siyang hindi masabi 'yon ngayon nakalimutan niya na yata.
"Okay lang ako North. Nandito ako sa mansion, wag mo na akong puntahan just make sure Nari is safe away from my family. Ayokong bigyan pa ng dahilan si Papa para hawakan ako."
"Pupuntahan kita diyan kukunin kita sa Tatay mo. Baka mamaya ipakasal kana naman kung kani-kan—"
"North please... Kilala mo si Papa, gusto ko lang ng tahimik na buhay para sa anak ko. Buhay na malayo sa kinalikihan ko sana maintindihan mo. Baka mamaya kung ano pa ang gawin niya sa inyo ni Nari."
Isang buntong-hininga ang narinig ko mula sa kabilang linya. "Love—Al ang Tatay mo ay hindi bastang tao kaya huwag kang pakampante na hindi niya alam ang tungkol kay Nari. Pero magkakamatayan muna kami bago niya kayo makuhang muli."
"That's good. Coz I won't back down without a fight Northemio kahit pa sarili kung ama."
Marami pang sinasabi si North pero wala na akong maintindihan kahit isa doon. Pagkababa ko ng telepono ay walang ginawa si Ate Astrid kundi ang kulitin ako tungkol kay Nari. Kinuwento ko sa kanya ang lahat ng tungkol sa pamangkin niya ngayon naman ay kinukulit niya ako kung kailan niya 'to makikita.
Nabuhay si Ate sa anino ng lahat. Sa isang pamilya na tinanggalan siya ng boses at nanatiling bingi-bingihan sa buong katotohanan. Nagkaroon siya ng depirensya ng maaksidente si Mama ng ipagbuntis niya 'to. Daddy was so frustrated when he learned about Ate's condition when she reach three years old, coz she still not responding. Marami ng kinuha sa amin si Papa ayokong paabutin pa na pati sa kapatid kung walang kamuwang-muwang sa mundo ay wala na siyang itira.
Ang mundong pinagdamot niyang ipakita sa lahat pero nagawa kung mahanap.
"I can help you to escape your father." Nilingon ko ang boses na nagsabi noon. Tipid akong ngumiti ng makita ko si Mama na naglalakad palapit sa akin, hawak sa isang kamay ang isang baso ng wine. Lunes ngayon kaya nandito siya dahil nasa Manila si Papa. Ganoon siya kahit noong bata pa ako, pag wala si Papa ay saka siya lumalapit sa akin.
"Kaya kung umalis dito, Ma kung gugostohin ko—"
"Then why are you still here?" Talagang hindi niya ako matagalan na kasama.
"I still have some things to settle with Papa."
"Like what? Money? Inheritance? Palagay mo sa ilang taon mong nawala may matitira pa sa'yo? Pagkatapos mong lumayas at ipahiya ang buong pamilya lalo na ang ama mo ay babalik ka na parang walang nangyari? Hindi ka na tanggap sa mundong iniwan mo noon Alitha, matagal kana nitong kinalimutan." Napatiim bagang ako sa sinabi niya. Ayokong magpang-abot kaming dalawa dahil kahit papaano ginagalang ko pa rin siya.
"Meron akong sariling pera na hindi galing sa inyo. Ganyan ka ba kagalit sa akin na hanggang ngayon hindi mo ako magawang matanggap? Bakit ma? Anak mo rin ako pero kahit minsan hindi mo ako binigyan ng pansin. Kahit minsan hindi mo pinahalagahan ang mga bagay na ginagawa ko para mapansin mo. Ginawa ko lahat ng paraan para mapalapit sa'yo... para matanggap mo pero wala pa rin. Isa pa rin akong basura sa paningin mo."
"Dahil doon ka galing—"
"Maaaaa!" Nilingon ko si Ate na kaagad nilayo sa akin si Mama.
"Bitawan mo ako Althea! Bitawan mo sabi ako 'e."
Nagpupumiglas si Mama sa hawak sa kanya ni Ate habang masama ang tingin sa akin. Isang malakas na tulak ni Mama kay Ate kaya nakawala siya bago inilang hakbang ang pwesto naming dalawa. Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Napakislot ako sa kirot na naramdaman ko doon parang unti-unting kumakalat ang sakit sa buong katawan ko.
"Inggrata! Pagkatapos naming ibigay sa'yo ang lahat? Binuhay ka namin, pinag-aral sa maganda eskwelahan at binigay lahat ng gusto mo. Hindi ka pa kontento? Wala kang utang na loob!"
Mataman ko siyang tiningnan bago hinimas ang pisngi kung namamaga na yata kakasampal nila. Isang bagay na nakasanayan ko na sa kanya. Kinamumuhian niya ang pananatili kung buhay sa mundo... gaya ng isang kasalanang kahit kailan hindi na mabubura.
"Ibigay ang lahat, Ma? Ano bang binigay niyo sa akin—"
"Ali, tumigil ka na! Si Mama 'yang kausap mo," Marahan akong napailing sa sinabi ni Ate.
"Binigyan niyo lang ako ng materyal na bagay... hindi niyo talaga binigay sa akin ang kailangan ko. Araw-araw nagsusumikap ako na mapansin mo at maging mabuting anak para sa'yo.. sa inyo. Pero lahat 'yon balewala dahil hindi mo naman ako kahit kailan nakita. Tinanggap mo ako sa pamilyang ito pero hindi ako naiexist sa mundo mo, Ma. Bakit? Hindi ko hiniling na iluwal sa mundong ito at sa pamilya mong ito mabuhay, dahil kung papipiliin ako mas gusto ko ang tahimik at payak na pamumuhay Ma. Ang buhay na hindi niyo kahit kailan maibibigay kasi wala namang tumatanggap sa aking kapamilya niyo. Tinanggap mo lang akong anak pero hindi mo tinuring na isa. Kasi para sa'yo anak mo lang naman ako sa papel at hindi na hihigit pa!"
"Alitha...."
"At least alam ko na ang rason kung bakit ganyan ang pakikitungo mo sa akin. Sabagay dapat pa rin palang pasalamatan ko kauo kasi may kinalakihan akong pamilya at hindi lumaking isang bastarda."
Mapait akong ngumiti kay Ate bago tumingin kay Mama na bakas ang pagkagulat pero agad ding nawala. High school ako ng marinig ko noong nagtatalo si Papa at Mama. Nagmamadali pa akong umuwi noon para ipakita ang medal ko at ang mataas kung grado. Pero nasa pinto palang ako naririnig ko na ang sigawan nila.. Galit na galit si Mama kay Papa dahil lagi daw akong pinapaboran.
"Araw-araw kung tinitiis ang makita ang bastarda mo Antonio, hindi pa ba sapat 'yon? Gusto mo pang mahalin ko siya at ituring na anak?"
Ang mga salitang 'yon ang paulit-ulit na nagreply sa utak ko. Ang mga salitang sumasampal sa akin ng katotohanan.. katotohanang ayaw nilang ipakita. Ang pamilyang akala ko ay akin at parte ako ay isa lang din palang kasinungalingan.
Pamilyang pilit kung inaabot pero umpisa palang hindi na pala ako parte...
Gaya ng ibang kwento... ang mga bastarda kahit kailan ay hindi magiging lihitimong pamilya.