Eighteen

2232 Words
Unang araw nalasing ako at pinayagan siyang halikan ako. And now I let him almost take me in a brood daylight. How great right?! Ang tanga-tanga ko talaga! Ang rupok-rupok ko pa! Minsan parang gusto kung sampalin ang sarili ko dahil sa katangahang madalas kung gawin. Hindi man lang nadadala sa mga nangyayari 'e. "Ate, ngawit na 'yong bibili kanina ka pa tulala" napatingin ako kay Katya bago bumaling sa babaeng nakasimangot sa harap ko. "Sorry po.. Ilang kilo po?" Ilang araw na akong ganito mula ng araw na 'yon. Ngayon si Katya tuloy ang nagagalit imbes na ako. Araw-araw bumabyahe ako paluwas ng Maynila para lang makatakas kay North. Mabuti nalang at nandito si Diego na walang reklamong ihatid sundo ako. Syempre ayoko namang abusohin ang kabaitan niya pero wala akong magawa. Kailangan kung gumawa ng paraan para iwasan si Norte kung hindi anomang oras bibigay na naman ako. "Good morning, my loves." Speaking of the devil. "Good morning Kuya Diego." "Tigilan mo ako Katya. Ayoko parin sa'yo para kay Boni." "Kuya makaarte ka naman parang virgin pa si Bonifacio." "Naku Katya, 'yong anak ni Aling Mameng na may-ari ng mamihan sa kanto gusto nun si Boni. Ikaw mabubuhay mo ba ang kapatid ko?" Natawa ako ng napasimangot si Katya sa sinabi ni Diego. "Grabi ka sakin Kuya." "Tumigil na nga kayo. Ubos na ang tinda namin Diego at magsasara palang kami. Ba't nandito kana?" Nagkibit-balikat lang siya bago kinuha ang mga tray na hinuhugasan ko. Tinali niya muna ang hanggang balikat niyang buhok bago tinapos ang hinuhugasan ko. "Susunduin ka ba?" "Hindi. Uuwi ako sa bahay ko ngayon Dieg's. Kailangan kung bisitahin si Nanay hindi siya sumasagot sa tawag ko" Nag-aalala kung saad dito. Dahil mula ng lumipat kami kay North hindi ko na makontak si Nanay. Sabi naman nila Diego at Katya ayos lang naman daw 'to pero hindi ako mapakali 'e. "My loves, dapat kasi hinahanapan mo din ng love life si Nay Meding ng hindi naman malulungkot." "Baliw ka! Wala na sa isip ni Nanay 'yon. Tsaka sa mga tenant niya nga lang sa bahay sumasakit na ang ulo niya tapos dadagdagan ko pa." "At least napapaligaya siya, ikaw ba napapaligaya mo ba siya?" "Sapak gusto mo? Dami nitong alam. Tabi nga diyan hampas ko sa'yo 'tong tray na hawak ko e," irap ko sa kanya. Sa kalahating minuto naming pagliligpit wala ring tigil si Diego sa pangungulit sa akin. Minsan ay dumadagdag pa ang katalinohan ni Katya. Mapapa-hay buhay ka nalang talaga! "Diego, may alam ka bang bisita ni Nanay?" kunot-noo kung tanong dito ng makita ang ilang sasakyang nakaparada sa harap ng bahay. "Wala naman. Ngayon ko nga lang nakita yan 'e. Baka mamamanhikan na!" nilingon ko siya ng masama ang tingin bago nakangising nagpeace sign. Napapailing nalang akong iniwan siya at naunang pumasok ng bahay. "Nay, nandito na ako. May dala pala—" Halos matulos ako sa kinatatayuan ko ng makita kung sino ang nakaupo sa sala. Prente itong nakaupo na akala mo ay pag-aari niya ang buong lugar. Kahit hindi mo siya kilala ay mapapaatras ka sa awra niyang nagsusumigaw ng awtoridad. Katabi ang isang lalaking kunot-noong nililibot ng tingin ang buong bahay. "A—ate..." Tumayo siya bago nakakakilabot na ngumiti. Ngiting alam mong wala itong gagawing maganda. "Hello.. Little sister, its nice to see you again." Halos mapaatras ako ng lumapit siya sa akin at yakapin ako ng mahigpit. "At last... the chase is over." "A—anong... p—paano niyo ako nahanap?" Halos hindi ko na alam kung anong uunahin kung itanong sa kanila. Dahil ngayon palang gulong-gulo na ang utak ko at natatakot na ako. Ayokong bumalik! Ayokong umuwi ng Baguio. Nandito ang mag-ama ko, ayokong malayo sa kanila pero ayoko ding malaman nila ang tungkol sa anak ko. Dahil alam kung kukunin nila ito at tatanggalan ang ama niya sa lahat ng karapatan dito. I Will never do that to my daughter! She suffered enough to have another heartbreak. "Alitha.. patawarin mo ako anak. Hindi ko rin alam kung paano nila tayo nahanap." Nang lingunin ko si Nanay ay kasunod nito ang lalaking unti-unti kung kinakamuhian. Ang lalaking nagbigay buhay sa akin, pero siya ring dahilan kung bakit ako nasasaktan. "Como es tu hija favorito?" Kung kanina na makita si Ate at Kuya ay para na akong hindi makahinga. Ngayon ay literal na huminto na yata ang puso ko sa pagtibok. Pagkatapos ng maraming taon ng hirap at sakit ngayon ay kaharap ko na muli ang pamilyang iniwan ko. Ang pamilyang tinalikuran ko para sa pangarap na gusto ko at sa buhay na tahimik kasama ang mahal ko. Senator Antonio Zuldiriego "Papa.." "After running away for years now your coming back home mi favorito." Saad niya sabay lahad ng dalawang kamay sa akin kaya napaatras ako. I shaked my head. "I can't go home just because you say's it. I have a new life Papa—without all of you." "Ali—you can't just disobey Papa. You'll coming with us, whether you like it or not." Sabat ni Ate kaya matalim ko siyang tiningnan. "You called this home? You called this life? La vida que quieres es un desperdicio de un niño!" Naikuyom ko ang kamao ko sa sinabi ko. Kitang-kita ang pagkadisgusto niya sa nakikita. Wala akong pakialam kung anong tingin nila sa buhay na meron ako ngayon. Dahil itong buhay na 'to ang tanging naging sandalan ko noon. Itong buhay na 'to ang naging rason para tumapang ako. "No importa qué desperdicio de vida elijo, sé que estoy feliz y contento." Napakislot ako ng makaramdam ng konting habi mula sa pisngi ko. Halos mabingi ako sa lakas ng sampal sa akin ni Papa. Nalalasahan ko na din ang dugo sa gilid ng pisngi ko dahil sa lakas noon. Pero ininda ko 'yon at muli siyang matapang na hinarap. Gusto kung ipakita sa kanya na mas lalo akong tumigas ngayon. "Bring her!" Agad akong nagprotesta ng marinig ang sinabi ni Papa. Pero parang bingi silang lahat na walang naririnig sa pagtanggi ko. Nilingon ko si Nanay na nakaupo sa isang tabi at panay ang pahid ng luha. Bakas sa mata niya ang pamamaga nito na paniguradong kanina pa umiiyak. Hawak ng dalawang taon ni Papa ay hinihila nila ako palabas. Kahit anong pagpupumiglas ko ay hindi ako makaalis, masyadong mahigpit ang kapit nila na sigurado akong magmamarka. "Tigilan mo 'yan Alitha. Mas lalo kang masasaktan sa ginagawa mo. Sundin mo nalang ang gusto ni Papa." "At hayaan siyang kontrolin ang buhay ko Kuya? Gaya ng ginagawa niya sa inyo nila Ate? Hindi ako mabait kagaya niyo." Natahimik silang dalawa sa sinabi ko. Ako ang paborito pero ako rin daw ang matigas ang ulo. Nakukuha ko lahat ng gusto ko pero hindi ang buhay na pangarap ko. Iyon ang kapalit ng marangyang buhay na kinagisnan ko... ang makulong sa buhay na ayaw ko. Paglabas ko ng bahay ay nakaabang na ang mga tenant ko. Lahat sila ay bakas ang gulat at pagtataka sa nangyayari. Pero isa lang ang naglakas ng loob na lumapit at magtanong. "Ali, ayos ka lang ba? Anong nangyayari? Saan ka nila dadalhin? Pa—" Bago niya pa matapos ang mga tanong niya ay nagsalita na ako. "Ayos lang ako Diego," mapait kung ngiti dito. Umamba pa siyang lalapit pero agad siyang hinarang ng ibang tauhan ni Papa. Sinabihan ko siyang tumigil na pero sadyang matigas ang ulo at nagpumilit na makalapit sa akin. "Bitawan niyo ako! Saan niyo dadalhin si Ali? Sino ba kayo—" "Diego!" I screamed. Pero bago pa ako makalapit ay hinawakan na nila sa ako magkabilang braso habang pinapanood si Diego na labanan sila. Naiiyak kung tiningnan si Diego para tumigil na. Pero sadyang mapilit siya kahit inuundayan na siya ng suntok ng mga tauhan nila Ate. Ayokong may masaktan pa. Ayokong madamay sila sa galit na meron ang ama ko, sapat ng ako nalang dahil sana'y na ako. "You bastard! Gusto mo pang nasasaktan ka para tumigil ka," sigaw ni Ate ng lupaypay na bumagsak si Diego sa sahig. "Mierda! Maria Alitha—" Tiningnan ko lang ng masama si Ate bago siniko ang bantay na may hawak sa akin. Sipa, suntok ilag at suntok ang ginawa ko para makalayo sa kanila at malapitan si Diego. Its been years since the last time I used my skills and that's the day I run away from home. "Sorry Diego! Im sorry. Wag kayong susunod just let me their my family they can't hurt me. But the people around me, they can.. Bantayan mo si Nari, malaking bagay na sa akin 'yon" bulong ko sa kanya ng tulungan ko siyang maupo. Ramdam ko ang presinsya ng mga tao sa paligid ko. Si Boni ay may hawak ng tubo at si Mabs ay hindi ko alam kung saan nakapulot ng samurai. Mataman akong umiling habang nakatingin sa kanila bago paatras na bumalik kila Ate. Pagkabalik ko sa kanila ay agad akong hinila ni Ate papasok sa isa sa mga suv na nakaparada sa harap ng bahay ko. Kasama ko si Ate Althea at Kuya Alfonso sa kabilang sasakyan daw sumakay si Papa dahil may meeting pa itong pupuntahan. Buong byahe ay tahimik ako pabalik ng Baguio hanggang sa makatulog ako. Hindi ko na alam kung anong ginagawa ng dalawang kapatid ko basta ang alam ko abala sila. Pagdating ng mansion ay nasa labas lahat ng kasambahay namin pati ang dalawa ko pang kapatid. Mapait akong napangiti ng makita sila mula sa loob ng sasakyan na nanghahaba ang leeg kakatingin at mukhang excited na makita ako. Samantalang ako ay gusto na silang kalimutan at ibaon sa limot. "What?" I hissed when Kuya Fonso pulled me back. "Behave!" Napaismid ako sa sinabi niya. Anong akala niya sa akin aso? Hindi ako sila kaya wala sa bokabolaryo ko ang salitang magpakabait. "Oh my god, Alitha! Thank god your back," salubong na yakap sa akin ni Ate Adelfa. Naramdaman ko din ang isa pang yakap mula kay Ate Astrid. Bahagya niyang pinunasan ang pisngi ko hindi ko alam na sa yakap na 'yon ilang butil ng luha ag kumawala sa akin. Pagkatapos ng ilang taon ay makikita ko ulit sila at yayakapin ako ng ganito kahigpit kahit ilang taon ko silang kinalimutan at di binalikan. Si Ate Adelfa ang pangatlo sa aming magkakapatid sunod si Ate Astrid, isa siyang deaf and mute since birth. Siya ang pinakamalapit sa akin dahil ako ang tiga pagtanggol niya kapag inaaway siya noon sa school namin. Dalawang taon lang kasi ang tanda ko sa kanya inayos ko ang buhok niya bago suminsyas na namiss ko siya. Tipid kung nginitian ang mga kasambahay na mula pagkabata ko ay kasama ko na dito sa mansion. Eto ang buhay ko noon, pinapaligiran ng mga taong gusto ako at mahal ako. Pasimple kung inikot ang mata ko sa paligid at hindi ko na naman siya nakita. Hanggang ngayon galit parin siya sa akin.. hanggang ngayon hindi niya parin ako matanggap. Nakakatawa na sa loob ng ilang taon na magkasama kami ay halos hindi niya man lang ako tapunan ng tingin. Kung meron man iyon ay nagkakataon lang o dili kaya naman ay pagbubuntonan niya ako ng galit niya. "Ms. Ali mag-ayos na daw po kayo sabi ni Senator," tipid akong tumango sa bodyguard ko na magdamag na yatang tatayo sa labas ng bawat kanto ng silid ko. Hinanap ko ang telepono ko pero mukhang naiwan ko yata sa Manila. Hindi ko man lang makumusta ang anak ko pero sigurado naman akong hindi siya pababayaan ni North. Naglakad ako papunta sa veranda ng silid ko katapat noon ay ang hardin at swimming pool. Halos wala paring pinagbago ang buong lugar mula ng umalis ako. Gaya ng dati malungkot parin ito.. "Don't you dare jumping on that spot Alitha!" I rolled my eyes on Kuya Fonso who's standing on the other side of the pool. Iniisip ko palang kung paano ako makakatakas dito ay nauubos na ang oras ko. Dahil kung gwardiyado ang buong mansion noon triple ngayon. Nang makababa ako para maghaponan ay nandoon na si Papa at Ate Astrid. Sabagay sino pa bang aasahan ko? Sila lang naman talaga ang kasama ko sa mansion kahit noon pa. "Where are you going?" nahinto ako sa gitna ng pagtayo sa tanong na 'yon. "Busog na po ako," saad ko bago tuloy-tuloy na tumayo. "Eso es lo que te enseñaron  ser grosero?" Napatiim bagang ako sa narinig pero muling nagpatuloy sa paglabas sa kumedor. Pero bago pa ako makaakyat sa kwarto ko ay nagkasalubong kami ni Mama. "Nandito na pala ang alibugha kung anak," taas kilay niyang saad habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. "Mama.." lumapit ako dito para halikan siya sa pisngi. Pero bago pa lumapat ang labi ko doon ay umiwas na siya. "Napakabait talaga ng ama mo sa'yo at nagawa ka pang tanggapin sa kabila ng pagpapahiya mo sa pamilya? Tsk!" HAnggang ngayon wala pa ring nagbabago sa kanya. Kasing tigas pa rin siya ng bato at kasing dilim ng gabi ang tumatakbo sa isip niya. "Hindi ko gustong nandito ako—" "Then why are you here? Leave if that's what you want," "—si Papa ang naghanap sa akin." "Inggrata!" "Celeste!" Napahawak ako sa pisngi kung sinampal niya. Nakakadalawa na sila ngayong araw, paano pa kaya sa mga susunod pa? "Ilayo mo sa akin iyang anak mo bago ko masaktang muli 'yan." "Celeste watch your words!" Mapait akong napangiti bago sila tinalikuran. Yeah, watch your words... dahil ang paboritong anak ay isang bastarda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD