Sa lahat ng kasinungalingan ko noon wala akong naging problema. Pero ngayon habang nakaharap sa salaming ito at tinitingnan ang sarili ko ay parang binabalikan ako nito ngayon. Seeing myself getting ready for an engagement to the person I runaway three years ago. I don't know how long I can keep on running if I runaway again. Coz this time I have Nari who's been waiting for me to comeback. "Senyorita, maari na raw po kayong bumaba. Hinihintay na kayo ni Senator." Nandito kami ngayon sa isang hotel. Dinala ako ni Daddy agad papunta dito matapos niya akong sunduin sa bahay. Walang tanong-tanong basta dinala niya na lang ako dito. Ngayon haharapin ko na naman si Sebastian kaharap ang maraming press para sa panibagong engagement. "Pinapatawag ka na," malungkot akong ngumiti kay Ate na

