Hindi ko alam kung gaano na ako katagal umiiyak o kung hihinto pa ba ako. Basta ang alam ko simula ng sunduin ako ni Diego ay walang ampat na ang mga luhang kusang dumadaloy sa pisngi ko. Para 'tong sirang gripo na patuloy lang sa pag-agos kahit paulit-ulit ko pang punasan at tuyuin. "Inumin mo 'to. Matutuyoan ka sa ginagawa mo." Sinulyapan ko ang tubig na inilagay ni Nay Meding sa tabi ko. "Alam niyo po ba ang nangyari sa kanya?" Tanong ko ng makaya ko ng magsalita. Simula kasi kanina kahit isang salita ay hirap akong buohin dahil sa paghikbi. Sobrang sakit sa akin na lahat sila ay naglihim at nagsabwatan para saktan ako. "Patawad, iha!" "Ano bang nangyari Nay? Bakit nilihim niyo? Karapatan ko 'yon... naniwala ako. Naniwala ako na iniwan niya ako—na pinagpalit niya ako sa pangarap

