Pagod, antok at haggard na haggard ako bago kami makarating sa lugar na sinasabi ni North. Pagkatapos ng maikling seremonya ng kasal namin sa bus ay dito niya ako dinala. Halos lumuwa ang dila ko sa sobrang pagod ko papunta dito. Dahil hindi pa masyadong gawa ang daan ay hindi pa makapasok ang sasakyan kaya kailangan naming maglakad. "Anong iniisip ng maganda kung asawa?" napanguso ako nang marinig ang sinabi niya ng yakapin ako mula sa likod. "Iniisip ko pa rin kung paano ko babawiin ang lahat ng pagod ko ngayong araw," sagot ko habang hinahaploos ang mga braso niyang nakaakap sa akin. Ilang oras na simula ng ikasal kami pero hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na kami at magkasama. Sa lugar kung saan nakatayo ang Villa na pangarap niya. Sa gitna ng La Presa nakatayo ang pinaka

