Ilang beses ko ng nilingon si North pero hanggang ngayon gaya kanina seryoso siya sa pagdadrive. Nakailang ubo na rin ako pero wala man lang akong nakuhang reaksiyon mula sa kanya. Masusugat na nga ata ang lalamunan ko, pero ang walangya hindi man lang umiepekto ang pagpapapansin ko.
"Ano 'to?"-gulat kung tanong ng abutan niya ako ng mineral water.
"Inumin mo. Kanina ko pa kasi naririnig na inuubo ka."
Bwesit siya! Kanina niya pa pala ako naririnig na umuubo sana man lang nagtanong siya. Hindi 'yong aabutan niya lang ako ng tubig. Walangya talaga!
"Oh! Nandito na pala 'yong love birds eh! Ba't nakabusangot ka Norte? Inaway mo?"-tanong ni West ng lagpasan lang siya ni North.
Nagkibit balikat lang din ako dahil wala naman talaga akong alam. Akon ga hindi kinakausap eh! Nagtanong ba ako? Hindi kasi baka masopla lang ako.
"Baka inaway mo talaga Ali. Hindi nangangausap eh!"
"Naku, pwede ba West, South tigilan niyo ako ah! Inaantok pa ako kaya wag kayong makulit. Magpraktis na kayo ng makauwi na rin ako ng maaga. Lintik kasing kasunduan 'to eh!"-inis kung bulong. Napapitlag ako ng may biglang magsalita sa likod ko. Madilim ang mukha at seryoso habang nakatingin sa akin.
"Kung away mo, pwede ka namang tumigil. Hindi mo kailangang idamay ang iba. Hindi ka naman pinilit na gawin mo yan."-nagpanting ang tenga ko sa sinabi ni North.
"Hoy, fyi lang ah! Blinack mail mo ako kapalit ang palengke para maging utusan mo diba? Kaya anong sinasabi mong hindi pinilit? Gago ka ba?"
"Oo gago ako! Masaya ka na?"
"Aba't talagang—"
Susugorin ko na sana siya bitbit ang guitara ni West eh. Kaso agad humarang si East at Aura para awatin kami. Mabuti nalang nandito lang kami sa studio nila kaya wala masyadong tao. Kung nasa labas kami, siguradong headline na ako bukas sa buong madla. Baka ipasalvage pa ako ng mga fans nitong hayop na 'to.
"Tama na okay? Chill lang tayo! Palamig ka muna doon Norte."
"Baliw 'yang kaibigan niyo!"-inis kung sigaw bago lumabas ng studio.
Naupo ako sa may labas at naghanap ng yosi sa bag ko. Noon, noong kami pa ng gagong 'yon ayokong nakakaamoy ng sigarilyo. Ayoko niyang maging bisyo 'yon kaya pinagbabawalan ko.
As time goes by, I learn to love the smell of cigarettes.
"Hey, you okay?"-tumango lang ako sa East ng maupo siya sa tabi ko.
"Gusto mo?"
"When did you learn to smoke? Before you really hate that thing."-di makapaniwalang sabi niya.
Natawa ako. "Noon. Madami ng taon ang lumipas, lahat nagbabago na."
"Sorry about North! He's been dealing with his emotions lately."
"Really? Basted ba?"-ngisi kung baling dito sabay tapon ng sigarilyong hawak ko. Napangiwi pa siya sa akin bago tumayo, akala ko hindi niya na sasagutin ang tanong ko.
"Hindi! He already found, what his been looking for, after a year or so."-pahabol niyang sagot bago naglakad pabalik sa loob.
Nagulat ako ng sisindihan ko palang ang susunod na stick hinablot na 'to sa akin ng dalawang lalaking umupo sa tabi ko.
"Masama yan sa health. Kailan ka pa naging unhealthy leaving?"-asik ni West sabay tapos sa yosi ko.
"Since I leave alone."-tipid kung sagot. Bago kumuha ulit ng panibagong stick pero kinuha naman 'yon ni South at tinapon lang ulit. "Hey, nakakadalawa na kayo. Mahal yan!"
"Kaya ka naming bilhan kahit isang truck niyan Ali. But its not good for your health."-seryosong saad ni South. Kaya hindi na ako nagpilit pa ulit.
The more na makikipagtalo ako. The more na mas maraming mauungkat tungkol sa buhay ko. Sapat na 'yong kung anong alam nila para sa ikakatahimik ng lahat.
Wala akong nagawa ng bitbitin ako ng dalawa pabalik sa loob. Hindi na ako nakipagtalo dahil mas matigas ang ulo ng dalawang ito. Pagdating ko doon ay nag-aayos na ng makakain si Aura sa kusina. Habang si East at North naman ay nag-aadjust ng kanya-kanya nila instrumento.
"Ali dito! You stinks my god! Magpabango ka nga doon tsaka magtoothbrush."-sigaw agad ni Aura ng makalapit ako.
Ang ingay naman nito. Kailangan pa talagang ipagsigawan na amoy yosi ako? Wala tuloy akong nagawa ng tingnan ako ng tatlo syempre puwera doon sa mayabang na drummer. Akala mo kinagwapo niya ang bawat paghampas niya ng drum. Mukha siyang unggoy kung tumugtog, kakainit ng ulo. Wala sa loob na napanguso tuloy ako habang nagtotoothbrush.
"Okay start tayo ah!"
"One, two, three.. Go!"
Nitong umaga lang pagkalambing-lambing
Ng iyong mga matang hayop kung tumingin.
Agad akong napatingin kay South ng magumpisa siya ng intro. Alam mo 'yong kahit gaano ka kaabala pero kapag narinig mo ang boses nila mapapasabay ka nalang. O 'di naman kaya'y mapapatigil ka nalang sa kung anong ginagawa mo. Parang tinatawag niya para makinig sa kanya.
Nitong umaga lang pagkagaling-galing
Ng iyong sumpang walang aawat sa atin.
Napangiti ako ng isa-isa nilang kinanta ang bawat stanza ng Kisapmata. Hindi pa rin pala ako nagbabago, mahal ko pari nang musikang pinakilala nila sa akin. Akala ko noon paglipas ng taon, lilipas na din lahat ng gusto ko o ng mga nakaraan ko. Pero mali pala, dahil kahit umuusad ako, isang sulok parin ng buhay ko ang kusang lumilingon pabalik dito.
Pasimple ulit akong lumabas doon. Naghanap ng sigarilyo dahil parang hindi ako makahinga. Parang sa isang kanta palang na 'yon ang daming ala-ala ng sabay-sabay na bumabalik. Mga ala-alang akala ko nakalimutan ko na, pero hindi pala. Nag-aantay lang sila ng may kakatok at muli din silang sisilip pabalik sayo.
"Aura pwede bang mauna na akong umuwi? Kailangan ko ng umuwi, may emergency kasi sa bahay."-natataranta kung paalam dito dahil hindi ko makita ang bag ko.
"Emergency ba? Gusto mo ihatid na kita or North can drive you back."
I smiled. "No need. I can manage."
"Sige. Mag-ingat ka! Text me if you need something okay? Ako nalang magsasabi kay North na umalis kana."
Pagkasabi niya noon ay agad na akong umalis. Busy rin naman ang grupo kaya hindi na ako nagpaalam pa. Kailangan ko ng umuwi dahil mataas daw ang lagnat ng anak ko. Tarantahin pa naman si Nay Meding, nauuna pang nerbiyosin sa akin.
Napapitlag pa ako ng may magsalita mula sa likod ko.
"Saan ka pupunta?"
"Uuwi na."
"Uuwi ka? Hindi ka pa nga umaabot ng isang oras dito uuwi kana?"-bakas sa tinig nito ang inis. Pero wala akong magagawa dahil kailangan kung umuwi.
"Babawi nalang ako bukas. Sorry emergency lang talaga. Kailangan ko ng umuwi."
"Bullshit! Umuwi ka, wag ka na din bumalik!"-napahilamos nalang ako ng talikuran niya na ako.
Gustohin ko mang magpaliwanag sa kanya pero mas kailangan ako ng anak ko, ng anak namin.
Pagdating ko sa bahay ay nandoon na ang magkakapatid. Bukas din lahat ng ilaw sa taas. Mula dito sa labas akala mo ay may kasiyahan sa sobrang ingay doon. Napabuntong-hininga nalang ako bago naglakad papasok ng gate.
Naabutan ko doon ang mga borders ko pati ang magkakapatid na nasa sala. Mukhang hindi na talaga ako kailangan ng anak ko. Isa-isa ko silang nginitian ng dumaan ako.
"Ate Ali, ayos na si Nari."-bungad si Boni sa akin. Nasa tabi nito si Diego na tulog na tulog habang nakanganga pa.
"Oo nga ate. Wag kana mag-alala, nakatulog na rin naman siya."-segunda ni Mabini o Ben kalaro nito si Cardo isa sa mga tenant ko din.
"Hoy Katya, ikaw ba wala pang balak umuwi? 'Yong Nanay mo baka nag-aalala na 'yon sayo. Hindi ka pa kayang buhayin niyan ni Cardo."-sita ko kay Katya na parang hindi man lang ako napansin dahil hindi man lang umalis sa pagkakandong kay Cardo.
"Ate Ali, malapit na po ang big break ko. Meron daw bagong project si Direk sa akin."
"Oo Cardo. Gaya last time big break mo din 'yon diba? Hindi kana nagtitinda ng balot, fishball nalang."
"Si Ate talaga."-napakamot nalang siya sa ulo sa sinabi ko.
"Oh Alyann, gabi na hindi ka parin tapos mag-aral? Baka mamaya lamigin na yang balikat mo gabi na nakaoff-shoulder ka parin."-napabusangot siya.
"Ate Ali talaga. Lahat nalang kaya ka walang jowa eh!"-bulong niya pa. Isa din siya sa tenant ko dito sa bahay.
Sa baba silang lahat kami dito sa taas gusto ko kasi ang may araw ang loob ng bahay. Total lagi naman silang wala madalas gabi lang kaya ayos na 'yon.
"Iha, naku tigilan mo na nga 'yang mga bata. Kumain ka na ba? O babalik ka pa kay North?"-napangiwi ako sa tanong ni Nay Meding.
"Nay, ang sagwa pakinggan. Parang dalawa ang ibig sabihin ng tanong mo. Hindi ko na siya babalikan, bahala siya sa buhay niya."-sagot ko dito. Agad akong napatayo ng makita si Aling Caring palabas sa kwarto ni Nari bitbit ang isang plangganita. "Aling Caring ako na po. Kumain na ba kayo? Hoy, kain na tayo tama na yan."-sigaw ko sa mga nasa sala.
"Kakain na..."-sigaw ko ulit pero wala man lang ni isa sa kanilang kumilos. "Ano ba? Ilang beses kayong tatawa—"
Gaya ng mga taong nasa sala pati ako ay naistatwa na din sa kinatatayoan ko. Sa dami ng taong dadalaw at kakatok sa pinto ko bakit ito pang mga asungot na ito.
"Hello.. Sorry for the late advise, but we here from Aura that there's an emergency."-alanganin pang kamay ni East mula sa pinto.
Napangiwi pa ako ng makita silang nagsisiksikan sa pinto. Sino ba naman kasing may sabing sabay-sabay silang pumunta dito sa bahay ko.
"Ah! Ali baka naman gusto mo kaming papasukin, masikip kaya."-reklamo ni West habang sumisiksik sa gilid ni East.
"Ate Ali, may artista sa bahay mo."-dinig kung bulong ni Cardo.
"Ate ang daming artista..."
Marami pa silang sinasabi pero hindi doon nakatutok ang isip ko. Kundi sa lalaking nakatayo sa pinakalikod nila at sa pinto ng kwarto ni Nari.
They can't see each other, that's what i'm thinking in that moment. But maybe god hate me for being a bad daughter.
He doesn't hear what im praying.
Pupungas-pungas na lumabas ng kwarto si Nari. Parang lahat tumigil sa akin, pati na ang paghinga ko.
"Mama, bakit mainggay?"
I died instantly.