"All discarded lovers should be given a second chance, but with somebody else."
-Mae West
Ilang kurap, hinga at inom tubig na ang ginawa ko pero parang walang nangyayari. Parang hindi nito nababawasan ang lahat ng kaba at takot na naramdaman ko kanina. Ang isipin palang na magkikita silang mag-ama ay parang sumisikip na ang dibdib ko.
"Hoy, Alitha ano uubosin mo ba ang isang pitsel ng tubig?"-sita ni Nay Meding sa akin. Pero inignora ko lang siya at muling uminom. "Labasin mo na ang mga bisita mo. Tulog na ulit si Narisa, ako na ang bahala."
Huminga muna ako ng malalim at uminom ulit ng isang basong tubig bago naglakad palabas ng kusina. Isang malapad na ngiti ang inihanda ko sa kanila para wala silang mahalata sa walang katumbas kung kaba.
"Nagpahanda ako ng kakainin niyo. Dito na kayo mananghalian."
"Wow talaga ba? Naku namiss namin ang luton i Nay Meding. Kasama mo pala siya?"-untag ni West na parang pati ako natigilan.
Wala nga pala silang alam sa naging buhay ko matapos ang huli naming pagkikita. Sabagay kung ako nga ayoko ng balikan pa ang mga nakaraan ko sila pa kaya?
"Buti kasama mo dito si Nay Meding at least hindi ka nahihirapan. Nagtitinda ka paba sa palengke Ali?"-dagdag tanong ni South. Mga simple talagang tsismoso!
"Dami niyong tanong noh! 'Yong totoo anong gusto niyong malaman?"
Pero sa halip na tanong ko ang pagtuonan nila ng pansin ay sabay-sabay nilang nilinga ang lalaking lumabas ng kusina ko. Nakatayo doon si Diego habang topless na pawisan dahil sa pagluluto. Bukod kasi sa makina magaling din magluto ang tatlong magkakapatid na ito.
"My loves.. Luto na, gusto na ba nilang kumain?"-walang malay na tanong ni Diego.
Hindi ko alam kung nakatingin sila kay Diego dahil naiinis sila o natatakam sila sa nakikita. Hindi rin naman kasi maipagkakaila ang katawan ng mga ito. Parang tilas lang ng mga Birada kung ikukumpara, iba nga lang ang porte nila. Etong Magtanggol kasi puro makina ang kinukumpone.
"Ang bato pre!"-West
"Madami palang pandesal dito sa loob ng bahay niyo Ali noh! Mapapadalas ata ako."-hagikhik ni Aura na kinasimangot naman ni East.
"Diego baka naman gusto mong magdamit? Baka mamaya 'yong pagkain ay maalat na naman ang timpla hindi dahil sa asin, kundi dahil diyan sa pawis mo."-sita ko sa kanya na ikinakamot niya agad ng ulo.
"Grabi ka naman my loves. Lahat yan buong pagmamahal kung niluto para sa bisita mo kaya masarap yan. Makakalimutan nila ang mga pangalan nila at sayo ako nalang ang maaalala mo."-hirit pa nito kaya nabato ko tuloy ng basahan.
"Magaling na magluto, racer, mekaniko pa! Tangina bro latak ka lang talaga."-dinig kung bulong ni West na dahilan ng tawanan nila. Hindi ko maintindihan kaya hindi na ako nagtanong kung anong pinag-uusapan nila.
"Tigilan niyo ako. Mainit ang ulo ko."
"Ay bakit galit ka parin sa akin?"-sabat ko kay North ng magsalita ito.
"Sinong galit sa my loves ko?"-biglang sabat ni Diego na nakatayo na pala sa tabi ko at hawak ang malaking kutsilyong ginagamit namin sa palengke. Habang katabi din si Ben at Boni na hawak ang seyansi at sandok. Napapailing nalang akong niyaya na ang apat na wala pa ring tigil sa pagbubulongan.
"Bakit ka nga pala biglang umuwi? Ano ang emergency?"-gulat akong napalingon sa nagsalita sa tabi ko. Naiwan na pala kami ni North dito sa sala.
"Nagkaproblema lang sa palengke. Mabuti nalang naayos agad ni Diego. Halika na."
Nauna akong pumasok kesa sa kanya. Kailangan ko pa siyang tawagin ulit bago sumunod sa amin sa kusina. Mabuti nalang at malaki ang kusina kaya kasya kami. Ang mga alaga ko naman ay andoon na sa pinto at kanya-kanyang abang na matapos sila at magpapakuha daw ng litrato.
"Diego, tinirahan mo ba si Nari ng sinigang? Alam mo namang favorite ng batang 'yon ang luto mo."-tawag ko kay Diego na busy kakaistima sa bisita ko.
"Yes, my loves. Ikaw pa ba malakasan ka sa akin eh!"
"Kuuhh! Tigilan mo na nga yan. Ako ng bahala sa kanila. Umuwi kana at magpahinga. Salamat."
"Makita lang kita my loves, parang narecharge na ulit ang buhay ko."
"Masarap daw magluto oh!"-dinig kung tukso ni West na sinamahan pa ng tawa. Mga baliw talaga.
"Aherrrmmm... aherrmm sinigang pero nakakaramdam ako ng pait."-agad akong lumapit kay South ng marinig 'yon at tinikman ang ulam niya.
"Hindi naman ah! Saway ka, ubosin mo yan pinaghirapan ni Diego yan."
"Kung ang pagtitig ay nakakamatay kanina pa may tumumba."-hirit pa ni Aura na nakikisali din sa kakulitan ng grupo.
"Ewan ko sa inyo. Kung anu-anong pinagsasabi niyo."
"Are you and the Diego really that close?"-napatingin ako kay East sa tanong niya sabay tango bilang tugon.
"Oo. Ever since na tumira kami dito ay kaibigan ko na sila. Doon sila nakatira sa kabilang kanto may talyer sila doon. Pero ang Nanay at Tatay nila ay dito nakatira sa akin. Bakit mo natanong Easthanislao?"-natawa ako ng magkandaubo-ubo siya ng marinig ang buo niyang pangalan.
"Tubig pre... Bastos yang bunganga ni Ali eh!"-abot agad ni West.
"Grabi ka naman Ali. You don't have to say that out loud!"-protesta ni East.
"Tigilan mo ako Westaqio. Talaga namang mababantot ang pangalan niyo."-dagdag ko pa na ikinasimangot nilang tatlo.
Samantalang si Norte naman ay tahimik lang na kumakain. Parang hindi napapansin ang maingay na paligid. Seryoso lang siyang kumakain doon. Hindi ko alam kung anong iniisip niya at ayoko ng magtanong dahil baka isipin niyang feeling close ako.
"Ate tapos na daw po ba silang kumain? Yayain sana namin silang magjamming at konting shot lang."-nakangising paalam ni Boni.
Tiningnan ko ang sila pero isang kibit balikat lang ang sinagot nila. Siguro naman hudyat 'yon ng pagpayag hindi ba? Dahil sa pagkakaintindi ko ay ganon. Bahala silang malasing, malakas pa naman ang uminom ang mga katipunerong 'to.
"Ate Ali inom ka din?"-tanong agad ni Ben ng maupo ako sa tabi ni Aura.
"Hindi siya umiinom."-sabat agad ni North.
Lihim akong napangiti dahil kung noon, totoong hindi ako umiinom. Isa nga akong mabait na batang walang alam na bisyo. Pero dahil noon na 'yon at nakalipas na iba na ako. Marami ng nagbago na kahit ako hindi ko na napapansin 'yon sa sarili ko.
"Hala, akala ko ba friends kayo Ate? Hindi nila alam na umiinom ka? Lakas kaya uminom niyan ni Ate Ali, laging tulog si Kuya Diego eh!"-sabat agad ni Cardo sa sinabi ni North.
Lahat silang apat ay napatingin sa akin na parang nagtatanong. Pero kibit balikat lang din ang sinagot ko. Marami ng nangyari para magpaliwanag pa ako sa kanila ng mga pagbabago sa buhay ko. Masyadong marami para isa-isahin ko pa.
"Marami ng nagbago."-tipid kung tugon biglang sagot sa mga pipi nilang tanong.
"Mukha nga! Halos maubos mo nga ang isang pakete ng sigarilyo eh!"-gulat akong napatingin kay North dahil hindi ko naman alam na nakita niya ako. Ang tatlo lang naman ang nakakita sa akin, at hindi rin naman madaldal ang mga ito para itsismis ako kay Norte.
Pagbaba namin ay nakaayos na sa likod bahay ang lamesang gagamitin. Tapos narin mag-ihaw ang magkapatid. Para silang boy scout na at pinaghandaan ata ang pagdating ng mga bisita ko. Nauna akong naupo at agad na pinaggitnaan ni South at West gusto ko sanang katabi si Aura pero hayaan nalang dahil chance din 'to ni East. Nakailang bote kami na kami ng red horse pero parang wala man lang tinatamaan sa mga kasama ko. Naduduga ata ako dahil nakakaramdam na ako ng hilo.
"Ate Ali tagay na! Ang daya mo may taga salo ka ng tagay."-reklamo ni Cardo ng abutin ulit ni North ang para sa akin.
Lasing na kasi 'yong tatlo si Aura nga nakatulog na sa tabi ni East. Kanina pa sila tawanan ng tawanan at panay kanta. Samantalang si North ay bihira lang makisali nakafocus siya sa pag-inom na akala mo ay may malaking problema. Kanina niya pa sinasalo ang tagay na para sa akin kaya hindi ako magtataka kung lasing na din 'to.
"Tama na yan North. Baka malasing kana din, magbabiyahe pa kayo."-sita ko sa kanya ng kunin niya ulit ang inabot ni Boni. Pero saglit lang niya akong tiningnan bago tinungga ang alak na hawak.
"Dapat na ba akong magselos dahil sa pinapakita mo sa my loves ko?"-sabat ni Diego na naniningkit pa ang mata. Ang hindi ko lang alam kung dahil sa galit o kalasingan.
"Bakit may karapatan ka bang magselos? Kasi sa huling pagkakaalala ko akin lang ang karapatang 'yon."-natigilan ako sa sinabi niya. Nilingon ko siy at tiningnan ng masama para tumahimik. Pero ang walang hiya inismiran lang kayo bago kinuha ulit ang sumunod na tagay.
"Hindi ko kailangan ng karapatan sa kanya. Alam mo kung bakit? Kasi kahit hindi ko hingin kusa niyang ibibigay 'yon. Diba my loves?"-susuray-suray pang lapit sa akin ni Diego bago kinuha ang kamay ko at pinatakan ng isang halik na agad din naman hinawi ni West.
"Sorry pre, may dumi kasi 'yong kamay ni Ali."-ngisi niya na alam ko namang sinadya nito.
"Walang kahit sinong may karapatan sa akin. Sapat na ang isang beses na sakit ayoko ng dagdagan pa."-saad ko bago tumayo.
Pero dahil nga sa kalasingan agad din akong bumagsak. Nasalo naman agad ako ni North na hindi ko man lang napansin na nakalapit na agad sa akin lalo na malayo ang kinauupoan niya. Magtatanong pa sana ako pero kasabay ng pagbuka ng bibig ko ay pagdilim din ng paningin ko.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog basta paggising ko ay madilim na ang kalangitan. Pagbangon ko ay nasa silid ko na ako at nakapagpalit na ng damit. Akala ko ay wala na ang mga bisita ko pero paglabas ko ng silid ay bumungad sa akin ang ingay na nagmumula sa likod bahay. Naabutan ko doong nagkakasayan ang mga lalaki pero wala doon ang isang pamilyar na bultong hinahanap ko.
"May hinahanap ka?"-napapitlag ako ng marinig ang boses niya mula sa likod. Parang hindi man lang nalasing ang lalaking ito freshness pa rin ang mukha kahit namumula na.
"Ah wala. Hinahanap ko lang si Nay Meding. Umiinom parin pala kayo."-pag-iiba ko ng usapan. Baka mamaya ay magtanong pa ulit siya at hindi ko na naman masagot.
"Nasa tindahan si Yaya Meding. Nagluto pala siya ng sabaw gusto mo ba? Teka maupo ka lang diyan at ikukuha kita."-hindi ko na nagawa pang tumanggi ng nagmamadali na siyang pumunta sa kusina.
Mapait akong napangiti ng may maalala. Noon ganitong-ganito din siya. May sakit o wala halos natataranta siya sa pag-iistema sa akin. Lalo na kung dadalawin ko siya sa kubo nila ng Lola niya. Nakalipas na 'yon Ali, wag mo ng balikan pa. Hindi lahat ng ala-ala ay masayang balikan. Minsan may iba na mas maganda nalang kalimutan.
"Heto na. Dahan-dahan lang ah! Teka susuboan nalang kita."-gulat ako ng iumang niya na sa akin ang kutsarang hawak niya kanina para ihalo ang sabaw. "Nga-nga Alita, lalamig ito."
Wala akong nagawa kundi sundin ang utos niya. Pero maganda na rin ito dahil nababawasan ang kalasingan ko. Pero halos diko malunok ang sabaw ng mag-umpisa na siyang magtanong.
"So nanliligaw ba sayo 'yong Diego?"-umpisa niya.
"Oo. Diba 'yon ang sabi niya?"
"Sabi mo kanina ayaw mo na kasi tama na ang una?"
"Ganoon nga. Sapat na ang isang beses katangahan na siguro kung uulitin mo pa ang naunang sakit hindi ba?"
"Kung hihiling ba ako ng pangalawang pagkakataon hindi na rin? Handa akong mag-antay kahit mas matagal pa sa pag-aantay ni Diego sayo."
Hindi ko alam kung alin ang uunahin kong intindihin. Ang kalasingan ko ba? O ang sinasabi niyang nakakapagpawala sa kalasingan ko. Dahil kahit kailan hindi ko inaasahan na ganito ang gusto niyang mangyari.
I smiled bitterly. "Masaya ako sa kung anong meron tayo North. Wag mo ng asamin pa ang higit pa doon dahil kahit kailan wala ka ng babalikan. Sapat na ang isang beses na pinaasa ako ayoko ng dagdagan dahil masyado ng maraming babae ang pinaasa sa mundo."-saad ko bago naglakad pabalik sa kwarto ko.
Siguro kung noon niya pa hiniling yon, baka sakali pa. Pero ngayon? Malabo na. Sapat ng meron akong isang Narisa. Sapat na ang saya at sakit na pinaramdam niya sa akin, hindi ko na hihilingin pang ulitin ito. Tama nalang na manatili ang lahat na tanong, dahil baka magsisi lang ako sa tugon na malalaman ko.
Maybe some chances are worth it, but some times its not worth the risk.