Isang linggo na matapos lumabas ang issue tungkol kay Nari. Hindi parin humuhupa ang balita pero kahit papaano ay nabawasan na ang mga reporter na nag-aabang sa kanila. Hindi sila makapasok dito sa Highlands dahil miyembro lang naman ang pinapayagan o dili naman kaya'y may kasama kang miyembro dito. Nagising ako ng maaga dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng bahay. Bigla tuloy akong napabangon kasi baka mamaya ay may nangyari ng masama sa mag-ama ko. Hindi na nga ako nakapag-palit ng damit dahil sa pagmamadali ko. Pero halos mahulog ang panga ko ng makita ang ingay na naririnig ko. Ang mga walang'ya nagkakarera pala. Pero ang mas nakakalaglag panga ay nagkakarerahan sila gamit ang mga gagamba na hindi ko alam kung saan nagmula. Ang malala pa sinama nila si Nari at ginawang referee.

