Dito kami sa bahay ko dumiretso dahil baka nakaabang sa bahay ni North ang mga reporter. Baka maharrass na naman ang anak ko. Pero bago pa kami makarating sa bahay ay nauna na sila Papa doon. At nasa b****a palang kami ng pinto ay sinalubong na ako ng walang katapusang sentimyento ni Mama. Kahit kailan ay wala talagang pakialam. Hindi man lang inalam kung ayos kami ng apo niya. Kaya pagpababa palang ng sasakyan ay pinakuha ko na si Nari sa mga Ninong niya. Ayaw kung marinig ng anak ko kung anong mga masasamang salita ang lalabas sa bibig ng lola niya. "Wala ka talagang delikadesa! Nakuha mo pang ipangalandakan iyang bastarda mo! Inggrata" Hindi ko na nagawang sumagot pa sa kanya napahawak nalang ako sa pisnging sinampal niya. Ilang buwan na kaming hindi nagkikita pero ito agad ang sasa

