"Ateeee...." Gulat kung nilingon si Katya na bigla na namang sumusulpot kung saan. "Ano?! Makasigaw ka wagas!" "Te, maawa ka naman sa isda. Bigyan mo naman ng pagkakataong mabili pa siya at makain ng iba." Napapiling ang ulo ko sa sinabi niya. Nang ituro niya ang kamay ko ay napangiwi ako ng makitang gutay-gutay na ang isdang nasa harap ko. Mukhang kulang ang salitang giniling ko na siya bago pa man siya makapagprotesta. "Naku malala na yan Ate. Umuwi ka nalang kaya kasi mauubos mo ang paninda niya sa ginagawa mong massacre." Kumento pa ni Boni habang kinukuha ang kutsilyong hawak ko. Lahat ng gawin ko ay nauuwi lang sa kapalpakan. Gaya ng isang beses ay inaayosan ko si Nari pati ang damit niya ay nablower ko na ng husto. Nang nagluluto naman ako ay imbes na asin ang ilagay ko sa

