"UY Tracey!" Napakurap ako nang may pumitik sa harap ko. "Ha?" Takang tanong ko kay Dickson, ilang sandali naman niya akong tinitigan saka siya umiling. "Sinasabi ko na nga ba hindi ka nakikinig sakin eh." Sabi niya saka sumandal sa swivel chair. "Ang sabi ko may susunod kang kliyente." Huminga lang ako ng malalim saka tumingin sakanya. "Pass muna siguro ako, uuwi muna ako sa probinsya bukas eh. Hindi ko na paaabutin sa sembreak." Sabi ko sakanya, nagsalubong naman ang kilay niya. "Bakit ayos na kayo nila tito?" Umiling ako sakanya. "Hindi pa, pero susubukan ko. Hindi naman siguro magtatanim sakin ng galit si papa, alam mo naman ang ugali ni papa. Matampuhin lang." Napalabi naman siya saka kinuha ang folder na nasa mesa. "Kung ganon sa iba ko na lan

