"OUCH! Kahigpit naman nito!" Naiinis na naglumikot ako sa upuan ko habang iniisip ko kung paano ko matatanggal ang tali na nakapulupot pa sa katawan ko. "You're just wasting your energy. Mahigpit ang pagkakatali nila diyan." Sabi ng katabi ko, hinihingal na huminto naman ako saka ako pumalakpak. "Great, so we are just waiting here and what? Kapag pumasok na ang lalaking 'yon na may sunog ang mukha hihintayin na lang natin na tuluyan tayo?" Reklamo ko pa. Napaigtad ako nang biglang pumasok ang dalawang malaking lalaki, lumapit sila sa direksyon namin. "Siniswerte kayo ngayon ah..." Nakangising sabi ng lalaki kay Trevor habang pinuputol ang tali sa katawan niya gamit ang dagger. Ganon din ang ginawa sakin ng isa pa. Ilang sandali pa ay nakahinga na 'ko ng maluwag ng maw

