"Excuse me..." Natigilan ako sa pagsara ko sa locker ko nang marinig ko ang boses na 'yon. Bumaling ako sa gilid ko. 'Oh shit...' Walang emosyon na tumingin sakin ang babaeng 'yon. "Ikaw ba ang private investigator na alaga ni d**k?" Tanong niya sakin, napalunok naman ako. I knew her, siya si Chloe. Infairness, maganda siya sa personal. Pang-model ang katawan at mukha niya, pero nagtataka lang ako kung bakit ayaw siyang pakasalan ni Trevor. "Ahm ako nga...hehe bakit?" Ngiting-ngiti na sabi ko. 'Hindi ko ini-expect na makikilala niya ako ha? Lintik ka talaga d**k, patay ka sakin...' "Sa tingin ko naman nakikilala mo ako, hindi ba ay bago ko kinuha ang serbisyo ni Dickson binigay ko na rin sakanya ang profile ko para malaman ng ALAGA niya kung sino ang amo niya?"

