KUNO'T-NOONG tumingin ako sa buong kwarto, kanina ko pa kasi tinatawag ang pangalan ng lalaking 'yon akala ko nandito pa siya. Humakbang naman ako papunta sa malaking tokador ni Trevor, binuksan ko 'yon. "Wow ah." Usal ko nang makita ko ang pila-pila ang mga damit niya don, binuksan ko naman ang drawer sa ilalim. Nakita ko ang mga nakatuping medyas, bimpo at mga naka-rolyo na sinturon. Nakahilera pa 'yon at by line ang pagkaka-ayos. "Aba, alagang-alaga 'yung sarili ah." Natatawang bulong ko saka ko 'yon sinara, napatingin ako sa gilid ko. Nakangiting tinignan ko ang buong katawan ko sa salamin. Infairness, saktong-sakto 'yung jeans na binili niya sakin ah. Talagang binilhan niya pa ako ng blouse. 'Sigurado ako na nakokonsensya lang 'yung lalaking 'yon sa ginawa niya sakin....

