DAHAN-Dahan kong ginalaw-galaw ang bewang ko, hindi na siya ganon kahapdi hindi kagaya noong unang araw ko sa hospital. "What's the problem?" Tanong ni Trevor habang pina-park ang sasakyan niya sa harap ng school. "Wala, tinignan ko lang kung masakit pa." Sabi ko sakanya saka ko hinubad ang seatbelt ko pagkatapos ay bumaba ako sa kotse niya. Nagmamadaling naglakad na ako papalayo sa kotse niya. "Hey! Hey sandali!" Narinig kong sigaw niya, kunot noong binalingan ko siya. Sinara niya ang pinto ng sasakyan niya pagkuway tumakbo papalapit sakin. "Bakit nagmamadali ka? Bakit may pupuntahan ka?" Salubong ang kilay na sabi niya saka hinawakan ang braso ko. "Oo, pupuntahan ko si Nicky sa kabilang building." Sabi ko naman sakanya, kauuwi lang kasi ng gaga kaninang madaling ara

