"ANG panget naman ng lasa nito!" Inirapan ko lang si Trevor, as what I expected, magrereklamo na naman ang animal. Nakangiwing nilapag niya ang plato sa katabing upuan saka sumandal at kinuha ang magazine. "Bakit mo kasi kinain ang pagkain ko? Akala mo ikaw 'yung may sakit sating dalawa eh." Sabi ko sakaya saka ko inayos ang kumot sa katawan ko. Marahas na bumuga siya ng hangin. "Nagugutom na 'ko eh..." Kunot-noong binalingan ko siya. "Eh bakit hindi kapa umuwi? Bakit nandito kapa?" Hindi naman niya ako sinagot, inirapan ko lang siya saka ako tumitig sa kisame. Sabi ng doctor ay pwede na daw akong lumabas bukas, buti na lang at daplis lang ang nangyari sakin. Ang daming procedure na ginawa sakin, baka daw kasi napasukan ng dumi ang sugat ko gawa ng pagkahulog ko sa

