Chapter 56 "ANAK MAY bisita ka sa labas." Napatayo ako sa sinabing iyon ni mama. Sino naman kaya ang bisita ko sa oras na ito? Wala, naman akong pinapaunta sa oraa na ito dito sa bahay ko. "Sino ma?"taka kong tanong kay mama. "Ayaw niyang ipa-sabi ang pangalan baka daw hindi mo siya haharapin."nangunot naman ang noo ko da sinabing iyon ni mama. Ayaw niyang ipasabi ang pangalan niya dahil baka hindi ko siya harapin? Gago pala siya kung lalaki siya! At gaga siya! Kung babae siya! Hindi ko siya haharapin siyempre dahil hindi ko siya kilala baka mamaya mag-nanakaw na pala siya o di kaya ay kidnapper. "Sabihin niyo po sa kaniya na hindi ko siya haharapin hanggat hindi niya sinasabi ang pangalan niya." "Sigurado ka? Baka umalis lang iyon kapag ayaw mong harapin?" "Kilala mo ba siya ma?

