Chapter 53 PAGKATAPOS SABIHIN iyon ni Cedrick ay bigla akong natuod sa kinatatayuan ko. Ito na ba talaga ang katapusan ko? Ito na ba talaga? As in? Ito na ba talaga? Oh no! Lupa ibaon mo na ako ngayon na! Patayin mo na ako sa paglamon mo sa akin! Oh langit! Higupin mo na ako ngayon na! Ngayon na mismo! As in ngayon na talaga! Kill me now! Kill me now! As in talaga! Waaa! Sobrang kaba ng dibdib ko. "Ce-cedrick?"paano ba ito? Itutuloy ko talaga? Mag-papakita ba talaga ako sa mga magulang ni Cedrick. Mukhang-mukhang bubugbugin ako ng mga magulang niga. Huhu! Ayaw ko na talaga! "Concentrate okay? Trust me."tumango ako pag-kasabi niya 'nun sa akin. Hinigit pa nga niya ako sa kamay para makasakay na kami ng kotse niya pero hindi parin ako lumakad. Ayaw ko pa talaga. Parang hindi ko pa kaya. H

