Chapter 52 "Saan mo ako dadalhing babae ka?!"sigaw sa akin ni Kersten. "Di ba? Sabi mo wala akong awa? Ito ipapakita ko sa'yo."sabi kong nakangiti sa kaniya. Ipinasok ko siya sa kotse ko. Swerte niya ha! Pinasok ko siya sa kotse ko. Si Cedrick at Medel pati ang nobyo niyang si Deigo ay nanonood lang sila sa ginagawa ko. Napanganga na lamang sila nang mabilis kong pinasibad ang kotse ko. Maya-maya sumigaw na ang ahas na itong nasa tabi ko. Gusto niya ng laro di ba? Pwes, ibibigay ko sa kaniya. Walang awa pala ha! "Ano ka bang babae ka?! Pangit ka lang noon! At wala ka talagang awa! Saan mo ako dadalhin?! Paghihirapan mo na naman ba ako?! Kinuha mo na nga ang pera ko sa bangko pati pera ng mga magulang ko! Tapos, kinuha mo pa ang hacienda namin! Pati kotse ko sinira mo! Kaya ngayon nag

