Chapter 6 ANDITO KAMI ngayon ni Medel sa cafeteria. Break time na kasi. Humahanda na akong mag-pretend. Pero di ko kayang mag-pretend! Kay Angelo pa ako mag-peprerend! Kaya ko kaya. Bakit pa kasi kailangan kong magpanggap na hindi ko alam na gusto niya ako? Eh, baka hindi ko mapigilan ang sarili kong kiligin ko ang mag-tanong sa kanya. “Friend, andiyan na siya. Papalapit sa atin. Humanda ka na.”sabi ni Medel na kaharap ko ngayon. Nag-bitaw ako ng malalim na hininga. Okay, kaya ko ito. “Friend, ayan na siya malapit na siya.”halos pabulong na sabi sa akin ni Medel. I'll will. Kaya ko to. Relax lang Ena. Relax. “Hi, sorry pinag-hintay ko kayo. Marami kasing pinagawa sa amin ang teacher namin. So? Naka kain na ba kayo?”sabi agad ni Angelo. Pagdating na pagdating sa kinaroroonan namin.

