Chapter 5
LUNES NA at pasukan na naman ngayon. Nililigpit ko na ang mga gamit ko at inilalagay na sa shoulder bag ko at inayos ko narin ang project naming ginawa ni Medel. Actually, hindi pala gawa namin. Gawa pala ni Angelo. My Love. Bigla na lang akong napatingin sa pinto ng silid ko. May bigla kasing bumukas at si Mesy naka bihis narin siya.
"Ate? Ready ka na bang umalis papuntang school?"tanong sa akin ng kapatid ko. Binitbit ko ang shoulder bag ko. Dinala ko narin ang project namin ni Medel. At ang mga libro ko.
"Ooh na. Tara na."sagot ko naman. Sabay hawak sa wrist niya.
"Ate, may bisita ka sa baba. Ang gwapo ate. Tapos sinusundo ka daw niya. Mukhang may gusto sayo ate?"naka ngiting sabi ni Mesy sa akin. Sino naman kaya yun? Gwapo, ibig sabihin lalaki?
"Si-sino daw siya? Lalaki ba, Mesy?"tanong ko sa kapatid ko.
"Ooh, ate. Ano na nga pangalan nun. Angelo daw ate. Ooh, Angelo pangalan niya."bumilis ang t***k ng puso ko. Si Angelo nandito sa bahay namin? At sinusundo niya ako? Talaga? Pero bakit niya ako sinusundo?
"Saan siya Mesy?"tanong ko sa kapatid ko nang pababa na kami ng hagdan.
"Andoon po siya sa dining room, ate. Pinapakain nila mama at papa ng almusal."sagot naman ng kapatid ko.
"Ah. Ganun ba?"ang nasabi ko lang sa kapatid ko. Wala akong masabi dahil may pagkahalong kaba ang puso ko at excitement. Na makita siya.
Nakarating kami sa sala at pawang halakhakan ang pagkabungad sa akin. Nagtatawanan sila mama at papa. Habang nagsasalita si Angelo.
"Grabe! Joker mo pala."sabi ni papa na napakalawak ang ngiti. At napatayo si mama nang makita niya kong nakatayo sa likuran ni Angelo.
Naka-upo silang tatlo sa chair na nasa hapag-kainan namin at si Mesy umupo na sa harapan ni mama. Si Angelo at wala siyang katabi
"Anak, hindi mo man lang sinabi sa akin na may boyfriend ka na pala."nalaglag naman ang panga ko sa sinabi ni mama. Si Angelo boyfriend ko?
"Ma, hindi ko po boyfriend si Angelo. He is my friend."pag-sasabi ko naman ng totoo.
"Ganun ba? Totoo ba iyon Angelo?"parang disappointed na sabi ni mama. Saka bamaling kay Angelo. Na ngayon ay naka tingin sa amin..
"Oho. She's my friend po."nakangiting sagot ni Angelo.
"Sayang, akala pa naman namin ng papa mo. Mag-on na kayo."napatawa ako sa sinabi ni mama. Mag-on? Haha. Ako liligawan at mamahalin ng isang tulad ni Angelo? Imposible yatang mangyari iyon. Eh, ang gwapo-gwapo niya. At ako ang pangit-pangit.
"Why are you laughing Ena? Malay mo maging boyfriend mo nga ako."napatigil ako sa sinabi ni Angelo. Li-ligawan niya ako? Oh sadyang nakikisakay lang siya sa biruan naming mag-pamilya?
"Oh, anak. Parang may kakaiba sa best friend mo eh. Ano."nanunuksong sabi ni mama at sabay sundot sa tagiliran ko. Nakikiliti ako sa pinanggagawa ni mama. Kaya, napapangiti ako habang pinipigilan ko si mama na kilitiin ako. Napapangiti rin si Angelo sa nakikita niya.
"Ma, tama na. Kakain na ako ng almusal. May pasok pa."sabi ko kay mama. Kaya napa mulagat na lang siya sa gulat.
"Ooh nga pala. Sige, mag-almusal ka na baka malate na kayo."sabi ni mama. Habang abala sa pag-lagay ng pagkain sa plato ko. Napailing na lang ako sa reaksyon ni mama. Habang papunta ako sa tabi ni Angelo para umupo ay bigla siyang tumayo. At hinila ang isang upuan para sa akin.
Ewan, pero pakiramdam ko kinilig ako doon at parang nag-init ang pisngi ko. Napatingin ako kay mama at papa bago umupo sa upuang hinila para sa akin ni Angelo. Nag-wink sila sa akin na naka ngiti. Napangiti na lang rin ako.
Pagkatapos naming mag-almusal. Agad kong kinuha ang shoulder bag ko sa sofa namin at ang project ko at mga libro. Simula na sanang mag-lakad. Nang maisip kong kinakausap pa pala nila mama at papa si Angelo sa dining room. Pagkatapos kasi akong mag-almusal ay pumunta ako ng banyo para mag-toothbrush.
"Sige, bisita ka ulit dito Angelo ha. Welcome ka palagi sa aming bahay. Lalong-lalo na welcome ka sa aming anak."sabi ni mama kay Angelo. Na kasalukuyang papunta na sa salas. Nakasunod rin si papa habang inaakbayan si Mesy.
"Sige po. Maraming salamat po sa almusal ngayong umaga. Nabusog po ako."pasalamat ni Angelo kina mama at papa. Na naka ngiti.
"Ingatan mo anak namin ha."pahabol ni mama.
"Teka. Pero hindi po ba ninyo kami ihahatid ni Mesy papa?"taka kong tanong kay papa. Umiling labg si papa bago nag-salita.
"Hindi. Ihahatid ko si Mesy. Pero sinundo ka ni Angelo eh, kaya sabay ka na sa kanya."naka ngiting pilying sabi ni papa. Na pailing na lamang ako.
Sabay na kaming lumabas ni Angelo ng bahay namin.
"Saan tayo dadaan?"tanong niya sa akin. Siguro tinatanong niya kung saan ko gustong dumaan. Sa short way ba o sa street?
"Sa short way na lang."sagot ko naman. Tapos na una na siya. Wala siyang motorcycle na dala?
"Amm. Angelo. Wala ka bang motor na dala. Yung BMX motor mo?"tanong ko sa kanya habang sumusunod sa likuran niya. Napahinto naman siya at lumingin sa akin.
"Hindi ko dinala dahil--dahil. Ahm. Gu--gusto kitang makasama ng matagal."nauutal niyang sabi sa akin at yumuko. Hindi ko mapigilang makilig. Iba na kasi kapag si Angelo Dela Vega na ang nagsasalita ng ganun hindi ka kikiligin? Eh, crush ko ang nag-sabi eh.
"Ma-makasama? Ako ng ma-matagal?"nauutal ko ring tanong sa kanya.
"Ooh, so tara na. Baka ma late pa tayo."halatang nag-iiba lang siya ng usapan. Nagsimula na siyang lumakad. Huminto muna ako hanggang sa malayo-layo na si Angelo. Nagtatalon ako dahil sa kilig.
"Waaahhh!"sigaw ko habang nagtatalon parin. Hindi na siguro narinig ni Angelo ang pag-sigaw ko dahil malayo na siya. Nang mailabas ko na ang nararamdaman ko ay tumakbo ako papunta sa kanya. Hanggang sa makarating ako sa likuran niya ay hingal na hingal ako.
"Oh, bakit hingal na hingal ka yata? okay ka lang ba?"nag-aalala niyang tanong sa akin.
"Okay lang ako. Ang bilia mo kasing maglakad kaya hinabol kita."pagsisinungaling ko. Alanganin sabihin ko sa kanya ang ginawa ko kanina na sumigaw ako dahil kinilig ako sa sinabi niya. Nahihiya ako no. God in heaven? Sorry!
"Ah, sorry kung mabilis akong mag-lakad. Sige babagalan ko na ng paglakad."sabi niya sabay alalay sa akin. Hinawakan niya ang braso ko. Para kami maging sabay sa paglakad. Tahimik lang kaming naglalakad. Hanggang sa makita ko ang bahay ni Medel.
"Sandali lang Angelo ha. Tatawagin ko lang si Medel."sabi ko sa kanya. He nodded. Kaya pumasok ako sa bahay ni Medel.
"Medel! Medel!"tawag ko sa kanya. Narinig ko naman sa loob na sumagot siya.
"Ooh, andiyan na ako!"sagot niya.
Hinintay ko siya dito sa labas ng balcony nila. Maya-maya ay lumabas siya. Naka bihis narin siya ng uniporme namin. Siyempre eh, araw-araw talaga kaming nag-uuniform. Kapag hindi ka naka-uniform ay may penalty.
"Wait, parang kilala ko yung nasa labas ah."mapanukso ang ngiti ni Medel sa labi niya. Tumingin sa akin ng makahulugan.
"Ah, si Angelo. Sinundo niya ako kanina sa bahay."sabi ko namang naka ngiti.
"Talaga friend?! Oh my gosh! Really?! Magkaka love life ka na-"agad kong tinakpan ng kamay ko ang labi ni Medel. Eh kung maka sigaw kasi wagas. Kaya ayan tuloy parang naring ni Angelo ang lahat nang sinabi niya.
"Ano ba? Kung maka react ka wagas. Nakakahiya kaya."bulong ko sa kanya. Kaya nag-sinyan siya ng aprub sign. Kaya agad kong itinanggal ang kamay kong nasa bunganga niya.
"Waaah! Friend kinikilig ako sa inyong dalawa ni Angelo."naka ngiti niyang sabi sa akin tapoa nag-aacting pa siyang kinikilig. Baliw na talaga amg kaibigan ko na ito.
"Tara na nga. Baka ma-late pa tayo."yaya ko sa kanya kaya lumabas na kami ng balcony nila. Pumunta na kay Angelo kung saan siya nakataying naghihintay.
"Sorry, sa paghihintay."hingi kong tawad sa kanya. He smirk at me. Staring in my eyes. Nahiya na naman ako. Ikaw ba naman titigan ng seryoso at nakangiting si Angelo? Gosh! Kilig to the bones ang nararamdaman ko. Nagising nalang ako bigla at nagbalik ang diwa ko nang sikuhin ako ni Medel.
Kahit kailan talaga wrong timing siya. Moment na 'yun eh. Tapos mag-iisturbo siya. Kaya kung minsan gusto kong batukan tong best friend ko eh. Pero hindi ko magawa mahal ko siya .eh.
"Tara na. Malate na tayo."sabi ni Medel. Sabay lakad na. Sumunod naman ako kasabay ko si Angelo. Na parang nahihiyang tumingin sa akin.
"Ahm, Angelo. Ba-bakit ka nga pala. Am. Du-dumaan sa amin?"tanong ko sa kanya. Napa kagat na lang ako sa ibabang labi ko. Dahil, bakit ko ba iyon tinanong? Gosh! Parang mamatay na ako sa kahiyaan at kilig narin.
"Ah. Gu-gusto ko kasing makita ka at sunduin. Hindi mo kasi ako hinintay noong sabado sa gym eh. Basta ka nalang nag-paalam sa akin. Kaya dumaan ako ngayon sa bahay ninyo. Tinanong sina mama at papa mo kung may importante ka ngang ginawa noon. Pero sabi nila pag-dating mo raw sa bahay ninyo ay wala ka naman raw ginawa."parang na shock ako sa sinabi ni Angelo.
Talagang tinanong niya sina mama at papa? Grabe? Stalker ko siya ngayon? Oh di kaya imbestigador?
"So-sorry. Nahiya na kasi ako noon dahil akala ko hindi mo na kailangan ng ibang kasama dahil andiyan na si Cedrick."pagtatapat ko. Really? I say that? Without breaking?
"Ena? You wouldn't always other people in my eyes and heart. You-your my--"hindi niya naituloy ang sasabihin dahil bigla na lang sumigaw sa Medel.
"Waaaah! Dali malelate na tayong tatlo! Nag-bell na."pagkarinig namin nun. Agad kaming tumakbo. Nauna na si Medel. Bakit kasi parang bumagal ang oras ko nang makasama ko si Angelo? Naramdaman ko ang paghawak ni Angelo sa kamay ko. This is a second time.
Napatingin nalang ako sa kamay naming magkahugpong. Habang sabay kaming tumakbo papunta sa harap ng school namin. Nag-bell na nga. Dahil naririnig na namin dito sa labas ng gate. Wala nang mga estudyate sa labas.
"Kita tayo. Mamayang break time ha."paalam ni Angelo sa akin. Tapos binitawan na niya ang kamay ko. Nguminti muna siya sa akin bagi siya tumakbo papunta sa ibang room. Ibang section kasi siya. Nasa section 2 siya. Ako ay nasa section 1. Nakita ko si Medel na nakatayo na sa pinto ng room namin. Nakangiti siya.
"Buti, dismissal."nakangiti niyang sabi sa akin. Pwew! Muntik na iyon ah. Terror pa naman ang teacher namin ng first period. Pero salamat sa dismissal. Kung walang dismissal kundi nasa cr na kami pupulutin ngayon at naglilinis na.
"Muntik na 'yun friend ah."sabi ko na nang makalapit na ako sa kanya.
"Doon muna tayo friend sa cafeteria."yaya niya sa akin. Kaya sumunod naman ako sa kanya.
"Alam mo friend. Napapansin ko ha. Mukha yatang kinikilig ka sa kinikilos ni Angelo Dela Vega."sabi niyang naka ngiti ng nakakaluko.
"Eh, sinong hindi makikilig sa ipinapakita niya? Eh, kung makapagsalita at kumilos ay ang sweet. Tapos crush mo pa siya."naka ngito kong sabi sa kanya na parang kinikilig parin.
"Alam mo may pag-asa kayong dalawa na magkatuluyan."naka ngiti niyang sabi na naman.
"Magkatuluyan? Seriously? Hindi mangyayari yun."sabi ko na biglang nawala ang ngiti sa mga labi ko.
Nakaramdam ako ng pagkasakit sa batok ko. Eh binatukan kasi ako bigla ng best friend ko na ito eh. Aba siya na ang nambabatok ngayon ah?
"Aray ko naman. Bakit ka nambabatok?"taka kong tanong sa kanya. Saka inirapan ko siya.
"Eh, kainis ka kasi. Bakit mo ba pinapaniwalaan na wala kayong pag-asang magkatulyan ni Angelo. Eh mahal na mahal ninyo ang isat isa."tuloy tuloy na sabi ni Medel sa akin. Nakanganga lang ako sa huli niyang sinabi.
Nag-echo iyon sa pandinig ko. Really? He love me?
"A-anong sabi mo Medel?"di makapaniwala kong sabi at tanong sa kanya dahil sa narinig ko.
"Lagot! Nasabi ko ba?"taka niyang tanong sa akin. Na naka mulagat ang mga mata niya tapos tinakpan niya ng kamay niya ang bunganga niya.
"Anong sinabi mo na mahal namin ang isat isa?"parang may halong pag-kaexcitement ang nararamdaman ko na parang kinakabahan na parang nasisihayahan. Ah basta. Ganito pala ang feeling kapag mahal ka rin ng taong mahal mo?
"Ah, ano-a-ano. Ahm. E-ena. Ooh. Mahal ka rin niya."mas lalo ako napanganga sa narinig ko. Mahal ako ni Angelo? Really? He love me? Hindi ako makapaniwala. Sa ka pangitan kong ito minahal niya ako. Oh baka niloloko lang ako ni Medel?
"Niloloko mo ba ako Medel?"naka kinot noo ako habang kaharap siya. She shake her head.
"No, hindi kita niloloko. Totoo ang sinabi ko. Eh, nasabi ko na kasi. Kaya sasabihin ko na lang. Ayaw kasing ipasabi ni Angelo sa iyo eh."sabi niya habang titig na titig sa akin. Seryoso nga ang kaibigan ko. Gosh! Ang saya-saya ko.
Ganito pala ang feeling kapag malaman mo na mahal ka din ng taong mahal mo. Pero mas iba talaga kapag sa kanya mismo galing.
Medel POV:
Naku! Patay ako nito kay Angelo. He warning me. Na hindi ko sasabihin kay Ena ang totoo. Pero nadulas ang pananalita ko kaya ayun, boom! Nasabi ko sa kanya. Lagot talaga ako nito. Naalala ko na naman ang pinag-usapan namin noong sabado.
"Really? Do you love my friend?"di maka paniwalangtanong sa kanya. Eh, lumabas kasi si Cedrick kasunod si Ena. Ayun biglang nanuntok si Angelo sa upuan na foam dito sa gym.
Kaya tinanong ko siya kung bakit na lang bigla siyang nanuntok. Sinabi naman niyang nag-seselos siya. Kaya tinanong ko siya kung bakit siya nag-seselos. Kaya ayun inamin niyang mahal na mahal niya ang kaibigan ko.
"Ooh, noon pa. Pero ngayon lang ako naglalakas ng loob na lumapit sa kanya eh."pagpapatuloy niya.
"Bakit mo minahal ang kaibigan ko?"baka malay niyo? niloloko lang pala niya ako at pinaglalaruan lang niya ang kaibigan ko.
"Because she's other, kakaiba siya. Ibang-iba siya sa lahat na mga babae. Kahit na pangit siya pero ang ganda ng kalooban niya, that the reason why I love her."sabi pa ni Angelo. Ibang-iba nga ang best friend kong iyon. Kahit ang pangit niya may maganda naman siyang kalooban. Kaya nga mahal na mahal ko 'yun eh.
"So? Alam na ba niya?"tanong ko. He shoke his head.
"No! Pwede wag mo munang sabihin sa kanya. Pwede sekreto muna natin ito. I will suprise her."naka nguting sabi ni Angelo.
"Okay, your secret is safe. Hindi ko sasabihin sa kanya."sabi ko pa at itinaas ang kamay ko bilang sign ng pag-promise.
Patay! Ako nito kay Angelo. Anong sasabihin ko sa kanya? Anong gagawin ko? Baka magalit yun sa akin?
"Friend? To-totoo ba?"tanong ulit sa akin ni Ena. Eh, hindi siguro siya makapaniwala dahil matagal na niyang crush si Angelo at ngayong nalaman niyang mahal din siya ni Angelo.