Chapter 4
“Hoy! Anong problema mo?” tanong ko kay Medel dahil kanina pa siya tulala sa ginawa ni Angelo. Siya kasi ang unang pinabasa ni Angelo ng maikli niyang story na ginawa. Kaya nag-selos ako. Pero okay lang. Best friend ko naman si Medel eh. Kaya bawal lagyan ng malisya hindi ba?
“Friend! Nakaka-nakaka-- kyyyyaaaaa!” Sigaw na lang niya bigla. Anong nangyari sa bestfriend kong ‘to? May sapi ba siya ngayon? Oh my gash. Kinukulam ba siya?! Binatukan ko ulit siya.
“Aray naman friend!” pagbabalik niya sa katinuan habang hinimashimas ang ulo niya.
“Umayos ka ha, hindi kita maiintindihan.” Sabi ko pagkatapos ko siyang batukan. Napangiti na lamang si Angelo.
“Ena, basahin mo narin kung okay sa iyo. Mukhang kinilig yata si Medel eh. Balik lang muna ako sa pagpractice.” Paalam ni Angelo. Kaya napatango naman ako.
Kinuha ko ang papel na hawak ni Medel. Binasa ko na ang isinulat ni Angelo. Ang title ng story ay The Nerd. Teka bakit nerd ang title?
Tapos binasa ko na lahat. Simula sa umpisa hanggang sa huli. Kahit ako kinilig. Grabe? Telenovela na nga ba ito? Oh telenovela ng teen-ager?
“O, ‘di ba friend? Nakakakilig?” Tanong sa akin ni Medel. Nakanganga lang ako ngayon. Gusto kong ilabas ang reaksyon ko sa story. Pero hindi ko magawa dahil nahihiya ako kay Angelo. Nakakakilig nga super. Hindi ako makapaniwala na si Angelo marunong mag-sulat ng isang story na pangtelenovela.
Napatingin ako sa kinaroroonan niya busy siya sa pag-practice. Ewan pero bigla nalang ako tumayo at lumapit sa kanya. Huminto naman siya sa pag-shoshoot ng bola sa rin at bumaling sa akin. Ngumiti siya sa akin. Hindi ko na mapigilan. Kinikilig na ako.
“Angelo! Kyyyyaaah!” Sigaw ko naman sabay yakap sa kanya. Hindi niya siguro inaasahan ang pag-yakap ko sa kanya. Muntik na siyang mawalan ng balance pero nakabalance naman siya agad. Hindi ko inaasahan na yayakapin din niya ako.
This is the best moment, hindi ko na ito papalagpasin. Mas hinigpitan ko ang pag-yakap sa kanya. What the meaning of this? Why did he hug me back? Assumera na ba ako kung – ay wag na nga. Never naman yun mangyayari.
Mas hinigpitan ko ang pag-yakap sa kanya. Niyakap niya rin ako ng mahigpit. Naramdaman kong nakalaay ang baba niya sa ulo ko. Mataas kasi siya sa akin. Nang makaramdam ako ng hiya ay agad akong napabitaw sa kanya.
“So-sorry, An-angelo. Hi-hindi ko sinasadya.” Hingi ko sa kanyang paumanhin nang bumitaw na ako sa pag-yakap sa kanya. Nakakahiya kasi. Feeling ko namumula na ang pisngi ko ngayon. He's smiling. Mas lalo akong nag-blush.
“You’re so cute.” Sabi niya sabay pisil ng magkabilang pisngi ko.
What the meaning of this?! Gosh! Kinilig ako dun! Angelo Dela Vega! What the meaning of this?! Siyempre first time kong makarinig na may nagsabi sa aking cute ako at ang crush ko pa ang nagsabi sa akin.
“C-cute?” Taka kong tanong sa kanya. Hindi parin makapaniwala sa narinig.
“Yes, you’re cute. Anyway, sana nagustuhan mo ang story kong ginawa.” sabi niya. Kyaaaahh! Kinilig naman ba ako! Nahiya naman ako sa kanya! Anong gagawin ko?
“Cu-cute? A-ako? Hehe. Oo, okay ang story mong ginawa. Kaya nga ako kinilig at yun bigla na lamang kitang nayakap. Sorry ulit.”
“It’s okay, cute ka naman talaga. Gusto ko namang yakapin ka.” nakangiting sagot niya. Is he dead serious? I mean, alive serious? Este, serious? Anong ibig sabihin nitong lahat?
“Ah, sa-salamat. Ano nga ulit yun? Gu-gusto mo akong ya-yakapin?” utal kong tanong sa kanya. Nahihiya ako na parang kinikilig. Si Medel naramdaman kong lumabas siya ng gym. Pero bumalik din agad.
“Y-yes! And uhmm...” parang nahihiya niyang sagot sa akin. Awkward.
“Ah. Basketball na lang tayo.” pag-iiba ko ng usapan. Natulala naman siya sa sinabi ko.
“Basketball? Are you serious?” taka niyang tanong sa akin. Mahilig din naman ako sa sports. At kabilang na doon ang basketball. At gusto ko naring matuto. How the wat to play a basketball.
“Yes! Gusto kong matuto.” Sagot kong habang nakangiti. Ngumiti narin siya. Agad niyang pinulot ang bola at ibinigay sa akin.
“Anong gagawin ko?” tanong ko sa kanya. Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ang braso ko. Oh no! I felt the sparks, darling! Grabe naramdaman rin kaya niya iyon?
“Anong unang gusto mong matutunan? Shooting? Dribbling? Bouncing? Chest pass? Bounce pass? Overhead pass——”
“Ang dami naman pala. O sige, shooting muna ang gusto kong matutunan.” sabi ko agad sa kanya. Ngumiti naman siya ng malawak. He's cute ‘tsaka ang gwapo niya kapag ngumingiti siya.
“Okay, stand up. Steady.” utos niya sa akin. Kaya naman sinunud ko siya. Naka tayo lang ako at steady lang din walang galaw-galaw. Pumunta siya sa likuran ko. Kumakabog ang dibdib ko habang nararamdaman ko ang paghinga niya sa batok ko. Omgeeeeee.
Oh no! What the meaning of this? Anong gagawin niya sa akin?
“Okay, now focus. Bend your knees na hindi sumasayad sa floor. 1/2 lang ang distansya ng tuhod mo sa sahi. And Then, focus your eyes on the ring and stretch your two hands.” sunod niyang sabi sa akin kaya sinunod ko naman siya. Nang ma-i-stretch ko na ang kamay ko ay bigla na lang niyang hinawakan ang braso ko at pagkatapos ang kamay ko na nakahawak sa bola.
Kinikilig na naman ako. Parang gusto ko sumigaw sa kilig pero hindi ko magawa dahil nahihiya ako.
“You got it already? Nice ha?” di makapaniwalang sabi niya habang malawak ang ngiti niya. Oo, tiningnan ko siya na nasa likuran ko. At halos magkalapit ang mukha namin ngayon sa isat-isa. Nagtitigan kami. I see his eyes. Full of love, patience, kind at parang may gustong sabihin.
Ikikiss na ba niya ako? Oh, no! Hindi pa ako ready sa ganyan! Dahil unti-unti niyang inilapit sa mukha ko ang mukha niya. Ayan na malapit na. Pero nagising ang diwa ko nang may tumikhim at si Medel iyon. Kanina pa pala siya naka panuod sa amin ni Angelo. Nakita kong nahiya si Angelo sa ginawa niya. Pero hindi naman natuloy. Kahit kailan talaga wrong time si Medel.
Kumakain kasi siya ng junk food at iyon nabulunan. Kaya naputol ang tangkang paghalik sa akin ni Angelo. Iyon na sana yun eh. Naputol pa kainis! Pero ano ang ibig sabihin nito?
“Okay, now sh-shoot the ball in the ring.” parang nahihiyang sabi ni Angelo sa akin. Kaya agad naman akong humarap sa harapan ko at nag-focus sa ring. Unti-unti kong ini-stretch ang tuhod kong naka bend kanina. at inihagis ko ang bola. Ayun! shoot sana sa ring kaso sa ring belt lang tumama.
“Malapit na Ena. Ayun na iyon. Sige isa pa.” masayang sabi ni Angelo. Nagpapalapak naman si Medel.
“Go friend! Kaya mo yan!” pagchecheer niya Grabe siya. Nagpapaturp na nga lang. Nagchecheer agad siya. Kahiya naman. Baka hindi ko pa ma shoot. Ang best friend ko talaga.
Inulit ko ulit ang ginawa ko kanina. Pero mas nilakasan ko ang pag-hagis ng bola. At muntik na sanang pumasok pero bumalik naman sa labas.
“Ano ba ‘yan?” inis kong wika. Eh, iyon na sana eh. Tapos bigla na lang lalabas ng ring belt?
“It’s okay. Try harder.”naka ngiting sabi ni Angelo. Kaya inulit ko ng ilang beses hanggang sa maka shoot ako ng lima.
“Yes! Yes! Yes! ”sigaw ko habang nagtatalon sa tuwa. Masaya ako dahil nakashoot rin ako at hindi ko iyon magagawa kung hindi ako tinuruan ni Angelo.
Napapailing siyang naka ngiti na nakatingin sa akin.
“Dribbling ang sunod kong gustong matutunan.” sabi ko na parang batang nagmamakaawa sa kanya.
“Cute mo talaga.” sabi niya sabay uli pisil sa cheeks ko. Bakit ba niyang cute ako? Eh, ang pangit ko nga.
“Cute? Di nga? Dalawang beses mo na iyang nasabi pero hindi ako cute. I'm an ugly girl.” sabi ko na naka yuko. He sighed.
“No! You’re not an ugly girl. You’re beautiful. Oo, sabi nila pangit ka. Pero damn, Ena. You’re beautiful in my——”
Bigla na lang naputol ang pag-sasalita ni Angelo. Nang biglang may nagsalita galing sa labas at bagong pasok lang sa gym. Pero anong naririnig ko na galing kay Angelo? Totoo ba ‘yun? What is the meaning of this? Gusto kong malaman kung ano ang ibig sabihin nito? Takte. Tinagalog ko lang.
“Hey! Bro! You’re here.” salubong naman ni Angelo kay Cedrick. Oo, andito siya. Nagkamayan sila ni Angelo. Naiwan na lamang akong naka tayo lang dito. At pinagmamasdan ko lang sila. Gusto kong ipagpatuloy ni Angelo ang sasabihin niya sa akin kanina lang pero nahihiya ako at andito ang Cedrick na mayabang.
“So? Practice. Oh, your here Ena?”sabi na lang ni Cedrick nang makita niya ako.
“Ooh, dahil may project kami ni Medel. At tinulungan kami ni Angelo. Kaya tapos na rin. Kaya nagpapaturo ako ng basketball kay Angelo.”sagot ko naman. Halata ang pagkagulat sa mukha ni Cedrick. Nagtataka siguro siya kung bakit ko kilala si Angelo.
“Magkakilala kayo?”taka niyang tanong sa amin ni Angelo. Sabay kaming nag-nod ni Angelo.
“Pa-paano?”naguguluhan paring tanong niya. Himala ha? Hindi masungit at mayabang ngayon ang isang Cedrick.
“Its a long story bro.”naka ngiting sagot ni Angelo. Sabay tapped ng balikat nito.
“Ah. Ena. Pwede ba kitang maka-usap?”laglag ang panga ko pag-karinig niyon. Seriously? Si Cedrick Villaurel? Makikipag-usap sa akin?
“Seryoso ka ba?”taka kong tanong sa kanya.
“Yes! At sana sarinlan?”sabi niya. Tumingin ako kay Angelo. Nag-nod lang siya at ngumiti kaya bumaling ako kay Cedrick.
“O-okay, saan tayo mag-uusap?”tanong ko naman kay Cedrick.
“Sa labas na lang ng gym.”sabi niya. Sabay lakad na palayo. Kaya sumunod naman ako kay Cedrick. Anong nangyayari sa taong mayabang at mapang-asar na si Cedrick? May nakain ba itong pag-kain kaya nagbago ito?
Grabe ha? Imagine mapang-lait ang lalaking ito. Pero seriously? Parang hindi na ngayon.
“So? Anong pag-uusapan natin? Tungkol ba ito kanina sa V club building? Tungkol ba ito sa 200 pesos?”sunod-sunod kong tanong sa kanya nang nasa labas na kami ng gym.
“No! This is not all about that. Gusto ko lang maka-usap ka at humingi ng tulong sa iyo.”parang nahihiyang sabi ni Cedrick. Pumipigil ako ng ngiti at tawa. Si Cedrick nga ba ang kaharap ko ngayon? Ang isang playboy, mayabang at matapang at mapanlait na si Cedricl Villaurel? Kailangan ng tulong ko? At nahihiya sa akin ngayon?
“What the smile for?”napa-angat ako kay Cedrick nang magsalita siya bigla.
“Nakapagtataka lang kasi. Bakit sa akin ka gustong humingi ng tulong? Hindi naman tayo close? Tsaka kanina lang tayo nagkita at isa pa di ba naiinis ka sa akin? Bakit sa akin ka humihingi ng tulong? Eh, ang dami mo namang kakilala. Isa pa kung pera ang kailangan mo. Hindi kita matutulungan dahil mahi——”
“No! Ikaw ang nilapitan ko dahil alam kong mabait ka at alam kong tutulungan mo ako. Wala akong mapag katiwalaan ni isa sa mga kakilala ko eh. Sayo ako lumalapit dahil alam kong safe ang sekreto ko sa iyo.”putol niya sa sasabihin ko sana.
“Sekreto? Anong ibig mong sabihin?”taka kong tanong sa kanya.
“Look, I need your help. Kung pwede ikaw ang magpanggap na ina ng anak ko?”mas lalo akong napanganga at nalaglag ang panga sa sinabi niya. Kung ako daw pwede magpanggap na ina ng anak niya? He dead serious? May anak siya? Hindi naman nakapagtataka dahil playboy siya at sino naman kaya ang nanay ng anak niya? Bakit naghahanap siya ng magpapanggap na asawa niya? Iniwan ba sa kanya ang bata? Haay! Bakit ko ba iisipin ang hindi ko problema?
“A-ako? Magpapanggap na asawa mo at ina ng anak mo?”taka kong tanong sa kanya. He nodded. I laugh. Napa kunot noo naman siya.
“A-ako? Ako pa ang naisip mong magpapanggap na asawa at ina ng anak mo? Eh, ang pangit ko kaya at sorry kahit hindi mo man yan sabihin sa kin. Wala akong balak na tulungan ka at yan pa ang gagawin? Hindi ko iyan magagawa.”seryoso kong sabi. Nakatitig lang siya sa akin.
“Okay, nagkamali ako ng expectation. Umasa ako na tutulungan mo ako. Sorry. Pero sana sekreto na lang natin ang lahat ng ito?”parang suko na siya dahil kahit anong gawin niya lumuhod man siya sa harapan ko. Hindi ko talaga magagawa ang magpanggap.
“Sure, your secret is safe.”sabi ko
Babalik na sana ako sa loob ng gym nang bigla niya akong higitin.
“Ena, kung nagbago ang isip mo at tutulungan mo na ako. Punta ka lang sa V club building. May kapalit kapag magpapanggap ka bilang asawa ko at ina ng anak ko.”sabi niya.
“Pero, Cedrick hindi na talaga mag-babago ang isip ko. Maghanap ka nalang ng iba at kahit may kapalit man. Hindi ko talaga magagawa ang magpanggap. Sorry. Pero hindi talaga kita matutulungan.”sabi ko sabay pasok sa loob ng gym.
Ewan ko kung naka sunod lang siya sa akin. Pumunta ako kay Medel. Niligpit ko na ng gamit ko. Uuwi na ako dahil mukhang hindi na ako kailangan ni Angelo na makasama. Andito naman si Cedrick at magiging OP ( Out of Place ) lang kami ni Medel dito.
“Ahm. Angelo. Uuwi na kami ni Medel ha. Salamat sa pagtulong mo sa amin. Sa project. May kasama ka na. Andito na si Cedrick. Kaya siguro hindi mo na kailangan kami dito. Sige mauna na kami.”paalam ko kay Angelo nang makalapit ako sa pwesto niya. Nasa tabi narin niya si Cedrick.
“Ha? Pero tuturuan pa kita—”
“hehe, salamat sa pagturo ha. Pero may gagawin pa kasi ako sa bahay eh.”pagsisinungaling ko. Gusto ko sana siyang makasama. Pero nawala na lang bigla dahil dumating si Cedrick.
“Ah. Your welcome. Kita na lang tayo ulit.”paalam niyang naka ngiti sa akin. Kaya ngumiti din ako.
“Sige, bye.”paalam ko sabay lakad na palabas. Naka sunod na sa akin si Medel.
Ano bang ibig sabihin ng sinabi sa akin ni Angelo kanina? At bakit ako pa ang nilapitan ni Cedrick na tulungan siya?
Cedrick POV:
Si Ena ang hiningian ko ng tulong dahil alam kong may mabuti siyang puso. Kaya naghingi ako sa kanya ng tulong.
Pero nawala ang pag-asa ko nang hindi niya ako tutulungan. Ayaw daw niyang magpanggap. I know she's a good girl. Pero na disappoint talaga ako kanina. Kasi umasa ako na tutulungan niya ako. Pero hindi pala.
Simple lang naman ang hinihingi kong tulong sa kanya eh. Ang magpanggap na magiging asawa ko at magiging ina ng anak k--ng taong mahal ko. Hinahanapan kasi nila mama at papa ng ina ang anak na nasa bahay ko. At hinahanapan nila ako ng naging girlfriend ko.
Siinabi ko pa naman sa kanila na nagpakasal na kami ng babae. Pero hindi naman totoo. Wala pa naman akong babae na napakasalan at nakarelasyon. Si Lea lang. Siya lang ng minahal ko at anak niya ang nasa poder ko ngayon. Hindi ko alam kung sino ang ihahire ko bilang magpapanggap na asawa ko at magiging ina ng anak ng taong mahal ko. Malaking problema ito. Damn it! Ano bang pinasok ko na ito? Bakit ko ba ito ginawa?
Naawa kasi ako noon kay Lea. She's begging me. Na---
“Hey! Bro lalim ng iniisip natin ah. Whats bothering on you?”pukaw sa akin ni Angelo. Kanina pa naka alis sina Ena at abg kasama niya. Kasalukuyang nag-papractice kami ngayon ni Angelo at bigla na lamang akong napatigil.
“Nothing bro. Bakit nga pala kayo naging magkakilala ni Ena? Paano nangyari? At hindi ka ba nandidiri sa kanya? She's ugly.”sabi ko sabay shoot ng bola sa ring.
Hindi naman sa nanlalait ako. Pero totoo namang ang pangit ni Ena. Pero pangit ang mukha niya. Pero nababaitan naman ako sa kanya at alam kong maganda ang puso niya.
“She's not ugly bro. She's my precious Beautiful girl on me. I love her. So don't call her ugly.”galit n wika ni Angelo. Nagulat na lamang ako sa sinabi niya. Minahal niya si Ena? Sa kabila ng kapangitan ng babaeng iyon?
“Ang pag-mamahal talaga. Walang pinipili. Basta kapag tumibok na ang puso mo. Talagang ‘yun na talaga.”nasabi ko na lang habang pailing-iling. “I'm sorry bro.”
“It's okay, basta wag mo nang sasabihin ulit yan.” I nodded. Baka magalit pa ang kaibigan ko sa akin.
“It's your turn.!”sabi ko sa kanya sabay pasa sa kanya ng bola.